Chapter 2

326 7 1
                                    

Chapter 2

                I lost my phone.

                Hindi ko alam kung saan, o kailan ko siya naiwala. Parang noong pagsakay ko sa kotse ni Sky ay naroon pa iyon, pero pagbalik ko kanina sa bahay doon ko lang narealize na nawala ko pala yung phone ko.

                Kumatok si Jena sa kwarto ko. Paano kong nalaman na si Jena iyon? Dahil sa boses niyang nakakairita. “Wag kang magbalak na pumasok sa kwarto ko baka kung anong gawin ko sa iyo,” warning ko pa sa kanya.

                “Buwisit ka! Pinapatawag ka lang ni Sky, kakaina na raw!” inis na sagot nito sa akin. Natatawa ako sa loob-loob ko nakabawi din ako sa kanya.

                “Bakit ba kasi ikaw pa ang umakyat dito? Hindi niyo nalang inutusan yung katulong para naman may silbi sila kahit papaano?” sarkastiko kong sagot sa kanya.

                “Anak ng… ang dami mong…” saka ko binuksan ang pintuan. Nagulat siya, napatingala siya sa akin. Saka niya ako tinulak at padabog itong naglakad pababa, hindi ko maiwasang mapangiti. Kahit na lagi kaming nag-aaway nitong soon to be sister ko. Saka ako bumaba upang harapin ang nag-iinit na ulo nitong si Jena. Ang sarap talaga niyang asarin.

                “Baby, inaasar na naman ako ni Cloud,” sumbong pa nito sa kasintahan niya na naghahanda na nang mga kakainin namin ngayon. Chef by profession itong si Sky at kahit noon pa man paborito na niyang lugar sa bahay ay ang kusina. Lagi itong nasa tabi ni Mommy at nakikigulo sa pagluluto nito.

                “Kumain ka nalang diyan baby, wag mo nalang pansinin si Cloud.” Sagot naman nito sa girlfriend niya saka niya ito hinalikan sa noo. Geez parang gusto kong masuka sa kasweetan nila. Nakakadiri!

                “Nga pala samahan mo ako bukas Sky,”

                “Saan?” tanong nito sa akin.

                “Sa langit,” sagot ko.

                “I’m serious,” seryosong tanong niya sa akin.

                “Samahan mo akong bumili ng phone,”

                “Yuck! Ang tanda mo na nagpapasama ka parin bumili ng phone? Nasaan na ba yung phone mo ah?” bigla na naman siyang sumabat. Ni ngitian ko siya.

                “Tinapon ko? Hell care?”

                “Stop it Cloud,” suway pa ni Sky sa akin.

                “Hindi ako pwede bukas, dahil may meeting akong kailangan na puntahan. What if samahan mo nalang siya baby?” suwestyon pa ni Sky saka naghurimintado itong si Jena.

                “Baby? Iiwanan mo ako sa monster na iyan? Like duh! Wag nalang magkukulong nalang ako sa bahay na ito, I would rather spend watching tv than to be with him. It’s like hell kaya!” arte pa niyang tugon sa kasintahan nito. Nakakatawa talaga siya kahit kailan.

                “Edi magkulong ka sa bahay bukas.” Sagot ko sa kanya saka na kami kumain.

                Hindi kaagad ako nakatulog nang gabing iyon, hindi ko kasi maalis sa aking isipan yung nangyari kanina, yung babaeng biglang sumulpot sa likuran ko. Yung kausap niyang multo, na ako raw ang may kasalanan. God! Hindi ako naniniwala sa kanila, pero I can’t help my self na matakot, yeah! I accept the fact that I’m afraid sa mga ganun spirit chuchu! Takot ako sa multo in short!

Abakada: I Love YouWhere stories live. Discover now