Chapter 11

163 3 0
                                    

Chapter 11

Cloud’s POV

                Sawa ka na yata,

                May iba na bang nakita,

                Isa lang naman ang aking hiling.

                Pag-ayaw mo na sabihin mo lang

                Di ko matitiis na ikaw pang mahirapan

                Kasi pag ayaw mo na… ako na ang lilisan

                Hindi rin magtatagal pag-ayaw mo na.

                Nasa bar ako ngayon at pinapakinggan kumanta sa harapan ko si Yeng Constantino. Mabuti pa siya Masaya na sa love life niya, mabuti pa siya malapit nang ikasal, mabuti pa siya Masaya. Mabuti pa siya. Kanina ko pa gustong tawagan si Jasmine, kanina ko pa siya gustong kausapin. Kanina ko pang nangangati ang mga paa ko at gusto siyang puntahan. Tatlong araw, pero parang tatlong taon na ang nakakalipas. Hindi ko na talaga kaya, lumagok muli ako ng alak saka ako tumayo at nakapagdesisyon na ako, tatlong araw siguro tama na yun para hanapin niya ang sarili niya. Hindi ko na itotolerate ang kaartehan niyang ito, lumisan ako ng bar na iyon at kaagad na pumunta sa bahay nila. Nakakainis kasi nakikisali pa itong si Tadhana, badtrip ang traffic kanina ko pa hinahampas ang manibela ko. Pero walang paring nangyayari, hindi parin umuusad ang traffic. Kaya lumabas ako ng kotse at hinarap yung inforcer na wala namang ginagawa sa traffic ng oras na iyon.

                “Hoy? Ano bang problema niyo ah? Bakit hindi niyo kayang iusad ang trapikong ito ah?” sigaw ko pa doon sa may traffic enforcer.

                “Sir pasensya na po, may nagbanggaan lang po parating na po yung towing para maayos na po yung trapiko,” paghingi pa niya ng tawad sa akin pero hindi ko ito matanggap kasi baka hindi ko na naman maabutan si Jasmine sa bahay nila.

                “Gawan mo ng paraan, aba binabayaran ka ng taong bayan hindi para tumayo diyan. Magtrabaho ka naman,” bigla nalang may lumapit sa aking isang lalake at sinapak ang mukha ko, naiinis raw siya sa pagiging pakielamero ko. Hindi rin naman raw uusad ang trapiko sa pagngawa ko doon. Sinapak ko rin siya at ang ending nasa polisya kaming dalawa ngayon. Mabuti nalang nagkaayos din kami ng oras na iyon, pagkatapos noon ay tinawagan ko si Jasmine. Pero katulad parin ng tatlong araw, hindi parin niya sinasagot ang tawag ko. Gusto ko nang itapon ang cellphone ko kasi wala naman kwenta ito. Buwisit! Padabog akong sumakay sa kotse ko at pinaandar ito ng mabilis. At sa wakas nakarating na ako sa bahay nila pero gaya nang inaasahan ko, hindi ako hinarap ni Jasmine. Sinabe ng nanay niya na wala siya rito, pero hindi ako naniniwala na wala siya. Inabot na ako ng umaga pero wala paring jasmine ang lumabas sa bahay nila. Mailang luha na ang lumabas sa mga mata ko, pero hindi parin siya nagpapakita. Pagod na pagod na ako. Hindi na kaya ng katawang tao ko ang mga nangyayari. At mukhang hindi narin kaya ng puso ko ang mga nangyayari. Alas siyete na noong nag desisyon akong umalis na sa harapan ng bahay nila Jasmine. Muli kong nilingon ang kwarto niya, nakita ko. Oo nakita ko na nakatingin siya sa akin at noong nagtama ang mga mata naming dalawa, saka niya sinarado ang kurtina. Doon na ako tuluyang pumasok sa kotse ko. Mukhang wala na ata talagang pag-asa.

Jasmine’s POV

                Walang oras at minuto na hindi ako umiiyak. Na hindi ko sinisisi ang sarili ko na ginagawa ko it okay Cloud. I know na karapatang niyang malaman kung may problema ba kami, hindi pa man tumatagal ang relasyon naming dalawa pero sinusubok na kaagad kami ng lecheng tadhana na ito? Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siya sa harapan ng bahay at inaantay niya akong lumabas, sa school kapag uwian, naiinis ako sa sarili ko. Pwede ko naman sabihin sa kanya eh. Pwede ko namang sabihin sa kanya na dalawang taon nalang ang ilalaan ko sa mundong ito, madali lang namang sabihin yun. Pero bakit hindi ko magawa? Kasi natatakot ako. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. At kanina muli ko na namang nakitang umiyak ang taong mahal ko. Ang taong matagal kong pinangarap na maging akin. Ngayon bakit kung kalian nahahawakan ko na siya, saka ko naman inilalayo ang sarili ko sa kanya?

Abakada: I Love YouWhere stories live. Discover now