CHAPTER 1

156 4 0
                                    

CHAPTER 1

Bagong lipat si shane sa Paaralang ito sa probinsya ng Leyte. Sila ng pamilya nya ay mula pa sa Maynila pero ninais na lang nilang mamuhay ng mas tahimik sa probinsya. hindi sila mayaman ngunit di rin naman sila mahirap.

Nagulat sya nang magpakilala sa kanila ang guro nila sa Araling Panlipunan, ito ay si Ms. Theresa na dati nya ring guro sa paaralan nya sa maynila.

sabay silang nag-lunch dahil sa saya na muli silang nagkita, paborito rin ni shane na guro si Ms. Theresa dahil na rin siguro interesante din para sa kanya ang Kasaysayan

"Actually dito talaga ako nagtuturo dati, pumunta lang naman ako ng maynila kasi gusto ko nang bawiin ang anak ko mula sa ama nya" biglang kwento ni Ms. Theresa

napangiti naman si shane dahil nagkwento sa kanya ang guro nya, pakiramdam nya tuloy ay malapit na sila sa isa't isa

"Ilang taon na po ba ang anak nyo, ma'am?" tanong pa ni shane habang kinakain ang lunch nya nang mapansin nyang di naman ginagalaw ng guro nya ang pagkain nito, sa katunayan nga'y may extra pa itong pagkain sa tabi "bakit di ka pa nakain ma'am?"

ngumiti naman sa kanya ang guro "15 na ang anak ko at hindi ako nakain dahil hinihintay ko sya" nakangiti pa ding sabi nito "okay lang naman siguro sayo kung kasabay natin sya noh?" tanong pa nito

agad na tumango ang dalaga at tinigil pansamantala ang pagkain sa lunch nya "di mo naman sinabi ma'am, nauna na tuloy ako" tawa pa niya

natawa din ang guro "okay lang nam---- oh! yan na pala sya eh. Anak! dito!" sigaw pa ng guro

agad na napalingon si shane nang may ngiti sa labi.

ngunit ang ngiting iyon ay dahan-dahang nawala nang makita nya kung sino ang anak na tinutukoy ng guro nya

pagkalingon nya ay nakita nya ang lalaking dati nya nang nagustuhan pero  pinilit nyang kalimutan dahil ang lalaking ito ay may gusto sa kaibigan nyang si alliyah na pareho din pala ang nararamdaman para sa lalaki. isa lang talaga syang malaking tanga dahil umamin pa sya dito, umaasang magustuhan pa din sya ng lalaki, kahit na sobrang imposible

pagkalapit ng lalaki ay umupo ito sa tabi ng nanay nya at napatingin din sa kanya. halatang gulat din

"dati din syang nag aaral sa main" (main campus, basta main, wala akong maisip na school eh, alangan namang school namin sabihin ko? hahaha)

nang magkatinginan sila ay naalala na naman nya ang sakit na idinulot ng lalaki sa kanya. nung ipinamukha sa kanya ng lalaki na hindi sya ang gusto nito kundi ang kaibigan nya, at kahit kailan ay hinding hindi sya magugustuhan nito. isa iyong malaking sampal sa kanya. isang masakit na sampal ng katotohanan

'bakit ba kailangan pa naming magtagpo muli?' naguguluhang tanong ni shane sa sarili.

hindi nya alam kung bakit ba kailangan pang bumalik nito sa buhay nya. bumalik sa panggugulo sa isip nya. bumalik sa pagpapabaliw sa puso nya.

mula doon sa kinauupuan nya, alam nya na. na ito pa rin talaga. gusto nya pa nga ito.

To Be Continued ...

Enjoy reading 💛🌞

any thoughts? sa tingin nyo magkakatuluyan sila? bigyan nyo din ako ng rason kung bakit oo at kung bakit hindi HAHAHA. para akong tanga, sorry.

nga pala, laban sunshines! walang sukuan ah? dapat nagpapagawa tayo ng rule sa famdom eh. pwede na yung kay bebe ko KIB, "Once you enter, there's no turning back". dapat kapag minahal mo na ang KaoSeth, di ka na pwedeng tumigil. dibaaa? agree ba kayo?

Thank you for reading :'> don't worry ipagpapatuloy ko to. di na ako magiging tamad HAHAHA medyo relate ako dito kaya naman ginaganahan ako hihihi

My Unlucky Love Story Where stories live. Discover now