CHAPTER 5

69 2 0
                                    


CHAPTER 5

Kinabukasan pagkatapos ng nangyari ay agad na nag usap sila Ice at Shane para matapos na nila ang away na nasimulan

"Gusto ko talagang mag-sorry kung nasaktan kita kahapon, Love. physically man or emotionally. Sorry talaga, shane. nadala lang ako sa galit ko" agad na paliwanag ni ice nang makaupo sila sa garden ng school.

maaga talaga sila pumasok para mag usap kaya marami-rami pa ang oras na natitira sa kanila para mag usap bago magsimula ang klase.

nanatiling tahimik si shane. hindi naman sa ayaw nyang magkabati sila, pero kasi, naiinis talaga sya. so ano yon? kapag galit ito, lagi na lang nyang iintindihin kahit nasasaktan na sya? kasi di nito nako-control ang galit nito? tss. no way.

napaiwas sya ng tingin nang hawakan nito ang kanyang mga kamay na kanina'y nakapatong sa kanyang hita, pero nagulat sya nang bigla na lang nitong halikan ang likod ng kanyang mga palad.

ito ang unang beses na ginawa sa kanya ito ng binata kaya labis na kilig ang naramdaman nya, pero pinigilan nya pa din ang sarili. kailangan nitong paghirapan ngayon ang pagkuha sa pagpapatawad nya.

sakit naman ang bumalatay sa kanyang  puso nang maalala ang mga alaala nila Ice at Alliyah.

'Bakit sa loob ng halos apat na buwan naming pagsasama ay isang beses nya pa lang nya iyong ginawa sa akin? ilang beses nya pa lang akong niyayakap? ni hindi nya pa hinahalikan ang pisngi ko? hindi nya pa ako sinorpresa, kinantahan, sinayawan at hindi nya pa din sinasabing mahal nya ako. maski nga ang salitang "I Like You" ay isang beses ko pa lang naririnig sa kanya'

bahagyang namuo ang mga luha sa kanyang mga mata. nasasaktan sya sa isiping iyon pero mas masasaktan sya sa isiping:

'pero noon kay alliyah, dalawang buwan pa lang silang magnobya ay araw-araw niyang hinahalikan ang likod ng mga palad nito. araw-araw nyang niyayakap. araw-araw hinahalikan ang mga pisngi at mga labi. Madalas nyang sorpresahin si alliyah. lagi nyang kinakantahan na animo'y nililigawan. madalas syang nagpapakitang gilas sa pagsayaw sa harap ni alliyah. Higit sa lahat, lagi nyang sinasambit sa babae ang salitang "Mahal kita" at "I Love You". mukhang wala talaga akong laban ah'

My Unlucky Love Story Where stories live. Discover now