CHAPTER 3

61 4 0
                                    

CHAPTER 3

matagal-tagal na mula nang maging mag-nobya sila ice at shane. ganun pa din. ramdam pa din ni shane yung doubt nya sa nararamdaman ni ice para sa kanya at para kay alliyah

miminsan nya pang nakita sa chat ng dalawa ang:

alliyah: uyYyy mEsS nA tAlaGa kEtA hArRy qUoh! kAilaN kA bhA bhAbHaliK?

Ice: bhAbHaLik kAmE sA cHrIsTmAs vAcAtiOn rEyNa qUoh. mEsS nA dEn kEtA

aaminin nyang nasasaktan sya pero minsan natatawa din sya sa convo nito. kasi masyadong jejemon. pero lalo pa syang nasasaktan kapag naaalala nyang jeje nga pala talaga si alliyah samantalang dati di naman jeje si ice. pero mula nang magustuhan nito si alliyah, ginaya nya na ang trip ng babaeng gusto nya.

nakakaya nyang baguhin ang sarili nya para sa gusto nya. pero bakit nung sinabihan ko syang magpalit ng pabango kasi meron akong mas gustong perfume para sa kanya, tinanggihan nya ako? ayaw nya eh.

"hoy sissy! wala kang balak mag-lunch? ano, sa kanila ka pa din sasabay? sabagay. umpisa pa lang iniiwan mo na kami para sila makasabay mo eh" kunwaring nagtatampong sabi ni lianne na dahilan ng pagkabalik ni shane sa reyalidad

"ay nagdrama ang ateng mo. bwiset. dito nga muna tayo. tinatamad ako makisabay sa dagat ng tao" mukhang haggard na sabi naman ni jenny

tumango na lang si shane. wala talaga sya sa sarili sa mga lumipas na linggo. masyadong pumapasok sa isip nya ang tungkol kina ice at alliyah.

napailing na lang sya at naisipang i-text si ice para magpasundo

To: Baby yelo

baby yelo! pasundo naman sa room :'< nagkakagulo sa labas, mga gahol makakain ganon. sige na please!

sent 11:43 pm

ilang minuto pa ay nagreply na si ice kaya parang lumundag sa kilig ang puso ni shane. pero parang biglang nawala ang kilig na yon nang mabasa nya ang text nito

from: Baby yelo

bumaba ka na lang. nandito na kami ni mama sa cafeteria eh. nakakatamad na umakyat. kaya mo na yan

received 11:47

labis ang tampong naramdaman ni shane nung mga panahong iyon. naalala nya yung mga bagay na nagawa ni ice para kay alliyah.

My Unlucky Love Story Where stories live. Discover now