CHAPTER 4

70 2 1
                                    


CHAPTER 4

malapit nang dumating ang christmas vacation, naisipan ni Ms. Theresa na umuwi sa maynila para makita muli ni ice ang papa nya at mabisita ni Ms. Theresa ang dating mga katrabaho. nagkataon namang mas nauna ang kanilang bakasyon kaysa sa mga taga maynila

"hala, ma'am! uuwi kayo? edi di ko kayo makakasama sa bakasyon?" malungot namang sabi ni shane

"gusto mo bang sumama?" natatawang tanong ni Ms. Theresa

agad naman tumango si shane. maliban sa gusto nyang masilayang muli sng maynila, gusto nyang mabantayan si ice dahil baka mapalapit naman ito kay alliyah pagkauwi. call her a possessive girlfriend, she don't care. basta sya, gusto nyang mabantayan ang trono nya

"fine. kakausapin ko ang mga magulang mo" nakangiting sabi nito

tinotoo nga ni Ms. Theresa ang sinabi nya. pinagpaalam nya si shane sa mga magulang nito, sabi nya ay bago magpasko, uuwi din sila agad. gusto lang nila makasama muli ang mga kaibigan nila sa maynila bago magpasko. pumayag naman agad ang mga magulang ni shane dahil pinagkakatiwalaan nila si Ms. Theresa na di papabayaan ang kanilang anak.

"luluwas pala kayo ng maynila? sayang naman, shane. gusto ko sanang dumalaw sa inyo sa bakasyon" wika ng kasamang lalaki ni shane, si Mark. di nya alam kung saan nya ito ihahanay. sa mga kaibigan ba o sa manliligaw? o sa kakilala? ah basta umamin ito na mayroon syang pagtingin kay shane

ngumiti naman si shane "Okay lang yan. hanggang 23 lang naman kami sa maynila. sa bisperas ng pasko ay naririto na muli kami. sabi kasi ni papa dapat daw kasama nila akong salubungin ang pasko" pagpapagaan naman nya sa kalooban nito.

di sya naiilang kay Mark di gaya sa ibang nagkakagusto sa kanya. kay mark kasi, ramdam nya ang sinseridad nito at ramdam nya na maaari itong maging totoong kaibigan nya.

napatigil sila nila jenny sa pag uusap nang magbell na, kaklase nila si Mark.

"gaya ng nakasanayan, wag muna tayong makisabay sa mga istudyante" pagpipigil ni lianne nang akmang maglalakad na si Mark palabas, nang marinig ang sinabi ni lianne, ngumiti na lang ito at sila'y nag usap-usap.

naisipan muli ni shane na i-text ang nobyo para magpasundo, kahit pa ilang beses na sya nitong tinanggihan dati pa. kesyo pagod na daw ito chuchu eklabush.

To: Baby Yelo

Yelo! sunduin mo 'ko! dali na! masakit ang ulo ko eh :((( please?

sent 12:43 am

ilang minuto pa ang hinintay nya bago ito sumagot, pero gaya ng inaasahan nya,

From: Baby Yelo

Kaya mo na yan, shane. pahinga ka lang saglit then patulong ka na lang kila jenny pababa. di ko naman maiwan si mama noh.

My Unlucky Love Story Where stories live. Discover now