CHAPTER 2

86 3 0
                                    

CHAPTER 2

nagdaan ang mga buwan at naging magkaibigan na sina Shane at Ice. maaring dahil magkakilala na sila dati? pero ngayon ay naging mas malapit sila.

"pero minsan, sampal din yun sakin ng katotohanan eh, na naging close lang kami kasi wala syang choice? lam mo yon? nakakainis cyst" sabi ni shane isang araw sa kanyang mga kaibigan na sina jenny at lianne

"ang over-thinking naman nito. di ka na lang maging masaya na finally! close na kayo ng crush mo. tsk. binibigyan mo pa ng isipin ang sarili mo. dinamay mo pa kami" sagot naman ni jenny sa kaibigan

"oo nga! tama! sarap sabihing 'sml?' ganon" biro pa ni lianne kaya nagtawanan sila. napatawa na lang din si shane sa kaibigan nya

pero di pa din nawala ang isiping iyon sa kanya. parang nasasaktan sya na parang option lang sya. na sya lang ang ka-close kasi sya lang ang nandyan.

"hoy. problema mo?" biglang pagsagi ni ice kay shane.

napailing lang ang dalaga "wala naman. baka ikaw meron" pang aasar nya pa

"oo nga. meron nga ako" nakangiting sagot naman ng binata sa dalagang  nakangisi sa kanya

"ulol. nakangiti ka pa nga eh. mukha ka bang may problema?"

"di naman por que nakangiti ako, wala na akong problema. tinatago ko lang yung frustration ko sa pamamagitan ng ngiti ko noh" bigla ay nawala ang matamis na ngiti ng binata kaya para namang na-guilty si shane

"a-ano ba yung problema mo?" tanong nya na lang sa kaibigan

"nagugustuhan na kita, shane. at ang problema ko ay di ko alam kung gusto mo pa din ba ako" seryosong sabi ng binata

bigla namang nanginig si shane. di nya alam kung nagsasabi ba ng totoo si ice o niloloko lang ba sya nito

eh di naman sya mukhang nagbibiro eh. napaka seryoso ng mukha nya

nung una ay hindi pa naniwala si shane pero nang nagtagal, napatunayan na ni ice ang nararamdaman nya at kasalukuyan na silang mag-nobya

"suuuus! baka naman sabihin mo pa nyan, jinowa ka lang kasi ikaw yung nandito?" asar sa kanya ng kaibigang si lianne habang nagre-recess sila

My Unlucky Love Story Where stories live. Discover now