Chapter 7

43 3 0
                                    

CHAPTER 7

Shane's POV

grabe yung kabang naramdaman ko nang makita kong huminto na ang bus sa terminal. dapat masaya ako eh. makikita ko na ulit yung mga dati kong kaibigan! pero di ko talaga maiwasang isipin ang tungkol kay alliyah.

ang sweet naman nila. reyna ko pa ang tawag ni ice sa kanya. nakakainggit

bakit ganon? nung sila pa ni Ice, naiinggit ako sa kanya kase sa kanya si ice, matatawag nyang kanya. sya yung girlfriend. Ngayon namang kami na, naiinggit pa din ako sa kanya. kasi masasabi ko ngang ako ang girlfriend ni ice, pero di ko naman masabi-sabi na akin lang ang atensyon nya... ang puso nya? naging akin nga ba ni minsan?

"ayos ka lang shane, iha?" parang biglang pumutok yung ulap sa ibabaw ko nang tawagin ako ni tita theresa. yup, tita na ngayon. di na Ms. Theresa. wala naman kase kami sa school ih.

tumango lang ako at ngumiti sa kanya. nakita ko naman sa gilid kong nakatingin sakin si Ice. parang may iniisip din sya.

'iniisip mo na ba kung paano ka makikipag-break sakin? kailan mo ba gagawin? saan? sa harap ba ni Alliyah? tapos ipapakita nyo sakin kung gaano katatag ang relasyon nyo na kahit dumating ako, kayo pa din sa huli?'

di ko na lang sya pinansin. Alam ko kasi sa sarili ko na kapag nagsalita pa ako, baka di ko mapigilan ang sarili ko na umiyak sa harap nya. hangga't maaari, di ako iiyak. di ko ipapakita sa kanila na nasasaktan ako. napahiya na nga ako sa iba, ipapahiya ko pa sarili ko sa kanila? no way.

pagkarating sa tutuluyan namin na dati palang bahay ni tita nung dito pa sya nagtuturo, dumiretso agad ako sa sinabi ni tita na kwarto ko. kahit alam kong mali, naligo na lang agad ako. tutal sanay naman akong gumawa ng mali. nagawa ko ngang umasa na mamahalin din ako ni Ice at sa huli, ako pa rin ang pipiliin nya.

napahinto ako sa pagsusuklay ng buhok ko nang marinig kong may kumakatok sa pinto ng kwarto. tumitig lang ako na para bang sa paraang iyon ay magbubukas ng kusa ang pinto.

wala sa sariling natawa ako sa iniisip ko.

'ganon yata kapag nagmamahal ng maling tao. nawawala na sa sarili'

tumayo na lang ako at dahan-dahang binuksan ang pinto. di na ako nagulat nang makita ko si Ice sa pinto.

'ngayon na ba sya makikipag break sakin? siguro mas okay na yun kesa naman sa harap mismo ni alliyah'

"b-bakit?" mahinang usal ko.

tinitigan nya ako ng maigi. siguro ngayon pa lang, naaawa na sya sakin kasi makikipag-break na sya.

nagulat ako nang marahan nyang itulak ang pinto dahilan para lalong lumaki ang pagkabukas nito. pero mas nagulat ako sa sunod nyang ginawa, niyakap nya ako gamit ang isa nyang kamay habang yung isa nya pang kamay ay dahan-dahang isinasara ang pinto.

My Unlucky Love Story Where stories live. Discover now