Chapter 8

60 2 0
                                    


CHAPTER 9

Shane's POV

kung ano yung ikinakaba ko kahapon, dumoble pa ngayon. kasalukuyan kaming nasa biyahe papunta sa Main Campus ng LP.

"ang lamig ng kamay mo, love ah" napatingin naman ako kay Ice. mula kahapon, love na talaga ang tawag nya sakin. ako naman si foccmaru, kenekeleg. magka holding hands pa kami ngayon hihi

"edi painitin mo ako---- este yung kamay ko pala hehe" biro ko. maski ako natawa sa sinabi ko.

pinahilig nya ang ulo ko sa balikat nya, tapos yung braso nya, pinalibot nya sa bewang ko

"mamayang gabi, hintayin mo" biro nya kaya akma ko syang hahampasin kasi nasalag nya. nakakahiya! nasa jeep pa naman kami. buti nauna na si tita! "joke lang naman HAHAHA. yieee kinilig ka na naman, ano? ikaw love ha. ikaw ata mas pokpok satin eh" tawa nya pa

napangisi naman ako. ulul. pokpok talaga ako HAHAHAHA I am not going to deny it. HAHAHAHAHA chos

pagkarating sa school, plano pa kaming di papasukin ng guard pero buti na lang naalala din nila mga mukha namin HAHAHA kami yung laging nagre-reklamo dati kapag di kami pinapalabas ng gate eh HAHAHAHA

"oh? tangina bakit may fountain na dito sa garden? punyeta ano to? maga-upgrade lang kapag wala na ako?" inis na sabi ko nang makita yung fountain. ang ganda kase eh. bakit dati wala nyan?!

"easy. mura ka ng mura" biro nya pero parang ramdam ko talaga na ayaw nya sa narinig nya.

naalala ko tuloy dati. nakwento ni alliyah na ayaw na ayaw daw ni Ice na makarinig ng nagmumura.

parang nalungkot ako sa isiping yun. si alliyah, di sya palamura. ideal girl ni Ice. eh ako, mahilig akong magmura. kapag masaya ako, malungkot, natatakot. nagugulat. lahat talaga. di yata talaga ako ang para kay Ice.

"sorry. sanay kasi akong magmura" pilit ang ngiting sabi ko sa kanya. ayokong ipahalata na nasaktan ako

"edi wag mo na sanayin ang sarili mo. may naalala akong post sa fb, 'wag mong pilitin kung alam mong mali'. mali ang magmura, shane. wag mo na ipilit" ewan ko pero ramdam ko yung inis sa boses nya. parang inis na inis na sya kasi bobo yung kaharap nya, di ma-gets yung point nya.

pinigilan kong maiyak. ayoko

"sorry ah. sanay kasi talaga ako. oh sige, mali yun. pero kahit mali, handa akong gawin kung yun talaga ang gusto ko" gaya ng ipaglaban ka kahit alam kong kanya ka

My Unlucky Love Story Where stories live. Discover now