CHAPTER 6

66 2 0
                                    

CHAPTER 6

Naghahanda na si shane dahil ngayon ang alis nila ni Ms. Theresa patungong maynila.

sa totoo lang, kinakabahan sya dahil magkikita na naman si Ice at Alliyah. ayaw nya. baka bumalik yung nararamdaman nila sa isa't isa..

napa-buntong hininga na lang sya. ayaw nya nang isipin. nasasaktan lang sya.

"Shane, anak. kapag may kailangan ka, tawagan mo lang kami ah? o di kaya'y lumapit ka sa tita Gloria mo ah? wag kang magpapabaya. wag mong pasakitin ang ulo ng teacher theresa mo. tapos naku! wag na wag kayong maging mapusok ni ice----" pinutol na ni shane ang sinasabi ng tatay nya. jusq. pagbintangan ba naman syang mapusok? nako! totoo yun.

"pa, grabe ka naman. syempre di noh. tuparin nya muna yung dream wedding ko! tsaka wag ka ngang praning dyan. akala mo naman mapapahamak ako dunnatatawang sabi nya pa.

syempre pa, bago sya hayaan ng papa nya papunta sa bus kasama sila Ms. Theresa, mas madami pang inihabilin ito kay Ice. akala mo talaga may gagawin sa kanya si ice. baka nga di sya nito pagtuunan ng pansin.

oo, bati na sila. nag-usap na sila ng maayos, pero alam nyang kapag umuwi sila, mas papansinin na nito si alliyah. pero sa loob loob nya, hinihiling nya pa din na hindi mangyari yun.

magkatabi sila sa bus samantalang si Ms. Theresa ay nasa may likuran nila dahil pangdalawahan lamang ang upuan ng bus.

"Hindi ka ba nagsusuka sa bus? baka sukahan mo ko ah" biro sa kanya ni ice nang makaupo sila, natatawa nyang isinandal ang ulo sa balikat nito

"di ah. wala ka namang bilib sa girlfriend mo. baka ikaw yung sumuka dyan" asar nya pabalik dito

hinaplos haplos ni ice ang kanyang buhok na syang nagpagaan sa kanyang pakiramdam. parang nawawala yung bigat ng loob nya, nawawala yung mga haka haka sa isip nya tungkol sa maaaring mangyari sa maynila.

di nya namalayang nakatulog na pala sya sa balikat ng kanyang minamahal. nagising na lang sya na nakahiga na sya sa kandungan nito.

pag-angat ng kanyang tingin ay tumama iyon sa maamong mukha ni Ice na natutulog.

gwapo talaga ito. perpekto ang mukha, kaya di nya masisisi ang mga nagkakagusto dito. maski nga sya eh.

nakatitig lang sya dito, tila inaalala ang bawat parte ng mukha nito. mahal na mahal nya ito, walang duda. kaya nyang gawin ang lahat para dito, maliban sa isang bagay. ang hayaan itong lumaya para lang mapunta kay alliyah. di nya kakayanin.

"Oo na. alam ko ng gwapo ako. di mo na ako kailangang titigan" para syang napaso at biglang napatayo nang makitang nakatitig na pala sa kanya ang noo'y gising na na si ice.

My Unlucky Love Story Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang