Wakas
Once Upon a Stardust
"KUYA, bakit ka nag-eempake?" I glanced at my brother watching me pack my things.
"May sakit ako, dalhin mo ako sa ospital," I said casually.
"Huh? Should I tell Mom–"
"No, tara. May sakit ako, bilisan mo," I dismissed. Sinukbit ko sa likod ang bag pack. Nanliliit lang ang mata niya sa 'kin.
He walked towards me and touched my neck, his forehead creasing.
"Wala naman! Ni hindi ka nga mainit!" aniya.
I shook my head and sighed. Napaka-slow nga naman nitong kapatid ko!
"Iinit 'yan mamaya, may sakit ako, bring me to the hospital. Gusto ko 'yong iiyak ka habang nasa stretcher ako–"
"Oh? Crush mo 'yong nurse, 'no? Si Nurse Lars? Kaya ka papa-confine?" He stopped me.
Hindi ako nakaimik at nagkunwaring walang alam sa sinasabi niya. The side of his lip twitched.
"It's her, isn't it?"
Nag-iwas ako ng tingin at tumikhim.
"Come on, just let's go the hospital." Pilit ko at inayos ang sapatos ko.
"Tinamaan ka?" Natatawang naupo siya sa sofa, nakatitig. "Gago ka, Kuya. Mabait 'yon pero hindi naman mukhang interesado sa 'yo."
My lips parted.
"Fuck you, Warrion," I cursed. He laughed more.
"May sakit ka." He quoted. "Kunwari, 'di ba? Bakit kailangang nakaayos ka? Naka-polo ka pa, Kuya!"
"So?" I raised my brow and ran my fingers to my hair. "Kailangan kahit may sakit, fresh pa rin! First impression lasts!"
"Nakalimutan mo na ba? Una niyang kita sa 'yo, bugbog sarado ka, 'di ba? Sabi pa nga niya, basagulero ka?" Asar niya.
Sumimangot ako at sinamaan siya ng tingin.
"Shut up, tara na! Pang-gabi ang shift no'n ngayon, kapag bukas pa tayo, wala na," reklamo ko.
He scratched his head and rolled his eyes, nauna na siyang lumabas sa akin habang ako'y may pahabol pang tumingin sa salamin para makitang maga-gwapuhan siya sa akin at mabilis na tumakbo palabas.
Nang nasa labas na kami ng ospital kung nasaan nagtatrabaho si Reev ay napabuntonghininga ako, dinadaga ang dibdib.
"Ano, tara na, Kuya?" aniya. "Tapusin na natin ang kahibangan na 'to."
"Have you called the hospital's director?" I asked.
"Yes." He sighed. "Sigurado ka ba rito? Para kang tanga, sa totoo lang."
"Sshh, h'wag kang magulo." I closed my eyes. "Nagme-meditate ako."
I heard his annoyed sigh, nang makalma naman ako ay humarap ako sa kapatid ko at tumango.
"Let the show begin," I murmured and went out of the car.
My brother brought my arm around his shoulder habang ako nama'y kunwari'y nanghihina na.
Nang makapasok sa emergency room ay kaagad nagsisisigaw ang kapatid ko dahil sa kurot ko.
"Help! Help us!" He exclaimed, the quiet emergency room got alerted. Ang mga nurse na nakaabang ay nagsitayuan kaya napadaing ako sabay sapo sa tiyan para mas realistic.
"Ahh! Ang sakit!" I groaned and cautiously checked around for her face in the crowd.
"Ano'ng nangyari, Sir?" A nurse asked.
BINABASA MO ANG
Promise To A Stardust
General Fiction[REVISED EDITION, 2024] Lost Island Series #2: Promise To A Stardust "The lights dimmed as the shine faded. The once bright star turned to nothing but dust-a stardust." Miscommunication and one mistake turned all promises to stars into nothing but m...