Kabanata 1

325K 11.5K 6.1K
                                    

Kabanata 1

"Nurse Lars to ER, please!" Mabilis akong napatayo. Kaagad kong sinubo ang tinapay na nasa kamay ko at may laman pa ang bibig ay ininom ang kape na kakakuha ko palang limang minuto ang lumipas.

"Nurse Lars!"

"Oo!" I exclaimed and coughed. Napangiwi ako nang mapaso ang dila ko nang kapeng kaiinom ko palang at mabilis na pinusod ang buhok ko habang tinatakbo na ang emergency room.

Sa pagpasok ko palang ng kwartong iyon ay napasinghap na ako. The usual scenario, nagkakagulo na ang mga nurse dahil sa mga isinusugod na mga bagong pasyente.

I stayed still. Kaagad akong lumapit sa doktor na nakaduty sa ER at nagtanong.

"Yes, Doc?" I asked.

"Oh, Nurse Lars." Ngumiti s'ya. "Alam kong break mo ngayon kaso sobrang dami ng pasyente e, tapos nakulangan kami sa nurse."

"Ayos lang po," Sagot ko at ngumiti. "Who am I going to attend?" I asked and looked around the chaotic room.

"May naiwan akong pasyente dun sa may pinakadulong kurtina. Car accident, mild injuries lang naman. Ako sana ang gagamot kaso may isinugod dito kanina, nasagasaan daw so I need to attend the patient this instant."

"Sige po," I nodded.

"Thanks," Tumango ako. Nang umalis sa harapan ko si Doc ay kaagad kong kinuha ang name plate ko sa bulsa at ikinabit sa scrub suit ko.

Hindi pa ako nakakaupo ng five minutes ay nandito nanaman ako. Gosh, it's tiring pero hindi pa ba ako masasanay? I chose this profession so I must get used to it.

"Good morning, Nurse!" Bati sa akin ng iilang doktor na may inaasikaso rin.

"Good morning, Doc! Ang busy dito a!" I smiled.

"Madaming pasyente," Napailing sya.

"Nasaan po pala ang pasyente ni Doc Roque?" I asked her.

"Nasa dulong kurtina, yung malapit sa may aircon." Aniya at tinuro ang direksyon.

"Salamat," I smiled. She nodded, chineck ko naman ang ballpen sa bulsa ko at nang makitang naroon ay mabilis akong lumapit roon.

"I am telling you, Wave, let's go back!" A baritone, hard voice is what I've heard at the back of the curtain.

"Asshole, you're injured!" Another voice said.

"I don't care," He hissed. "This is just a small wound."

"A small wound can lead to bigger complications," Sabi nung isa. "Paano kung mamatay ka r'yan?"

"Edi mamatay, no one will care anyway." He answered.

Napakunot ang noo ko, marahang hinawi ko ang kurtina at sumilip.

"Uhm, good afternoon..." Bati ko. The two men stopped, sabay silang napatingin sa akin at napalunok pa ako ng bongga nang makita ang mga itsura.

Mga gwapings!

Magkatabi ang dalawa doon sa hospital bed habang ang lalaking nakawhite shirt ay may hawak na ice pack at idinidikit sa noo nung isang lalaki na hindi ko makita ang mukha.

The one with a blonde hair and brown eyes is wearing a plain white shirt and blue jeans. Nakatitig iyon sa akin at nang lumipat ang tingin ko naman sa isa ay parang nanuyo ang lalamunan ko.

He has a clean, jet black hair, his green eyes piercing through my soul. Kagaya nung isang lalaki ay nakatitig din iyon sa akin at parehas silang hindi nakaimik.

Promise To A StardustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon