PTAS Special Chapter

352K 10.9K 3.6K
                                    

Surprise! Happy 7th anniversary again!

xxx

PTAS Special Chapter

"Blooming na blooming, Lars?!" I chuckled when I heard Monica exclaiming.

"Partida, Monica! Toxic pa ang shift n'yan ngayon! May inaalagaan pang anak at asawa sa bahay!" Nurse Alex answered back.

Mas natawa ako, napailing ako sa kalokohan nilang dalawa at tinitigan ang chart na hawak ko.

"Blooming ba 'yan?" I chuckled.

"Oo! Maganda ka na dati pero iba 'yung glow mo ngayon eh." Pansin nila sa akin.

"Wala akong pera panlibre sa inyo," I pouted.

Nagtawanan nanaman ang mga kaibigan ko sa akin at napaataas ang kilay.

"Wow, Mrs. Alcantara, are we gonna pretend na hindi CEO ng Casa Amara ang asawa mo?" She teased.

"He isn't acting like one," Natatawang naisip ko at sumulyap sa kanila.

"Patay na patay nga iyon sa'yo!" Alex teased. "Sa sobrang patay na patay, kaloka at talaga nagpanggap pang traysikel driver!"

"He said he believes that, basta driver, sweet lover." I said, laughing.

Napatawa rin sila sa sinabi ko at nailing sa akin.

"Imagine our shock when you invited us in your second wedding here! I didn't expect that much pero gulantang ako sa venue! Parang nalula ako!" Pearl exclaimed.

"First wedding namin sa Lost Island," I said. "I don't really expected the second one, he planned it all, I have no idea."

"I just don't get it why you two always have your wedding at night time." Alex said curiously. "Bakit nga ba, Lars? I was just curious kasi diba, kadalasan palaging umaga?"

I smiled, umupo ako sa upuan sa may likod ng counter at sumulyap sa kanya.

"Because we always have this principle, nakwento ko na sa inyo ang kambal ng panganay ko, diba? Si Castor?"

They nodded at me.

"Caspian and I believe that he became a star, the star that always guide us." I said. "And we want our son to witness and join us in our wedding."

Bumilog ang bibig nila sa gulat sa sinabi ko.

"That's why!" They looked so shocked.

I nodded and smiled.

"The night always has a special place in our hearts, kaya t'wing gabi talaga ang plano namin sa mga event na mayroon ang pamilya. Yung birthday ni Riu, 'yung binyag ng triplets ko."

"Pero inferness sa inyo ni Caspian at marami talaga kayo mag-harvest!" Pearl commented.

I laughed and shook my head.

"We didn't expect it, sa lahi talaga siguro. Caspian's father has a twin tapos sa mother side ko may mga kambal rin." I said.

"Talagang marami!" They laughed. "Naku, Polaris, mabuti nalang talaga at responsable itong si Cas!"

"Sobra," I smiled sweetly. "That man, hindi n'ya hinahayaang mapagod ako kakabantay ng mga bata. He always take care of our kids kahit galing pa sa trabaho."

"Sana all," Alex sighed.

"May mga yaya naman ang mga bata, it's just that, Caspian always want to be hands-on sa mga bata, kahit ako kapag off ko, ako talaga ang nag-aalaga sa mga 'yun." I said.

Promise To A StardustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon