Kabanata 6

236K 10.3K 5.3K
                                    

Kabanata 6

My mouth parted as I stare at him. Why is he crying?

Tulala lang s'ya roon, si Riu naman ay nakatitig lang sa kanya na tila di maintindihan ang kilos n'ya.

"Cas?" Gulat kong sabi at bahagyang dumukwang.

"R-Reev," He murmured and stared at my nephew again.

"Bakit mo iniiyakan ang pamangkin ko?" I asked, confused.

He stopped. I saw how his mouth parted a bit and stared at me.

"N-Nephew?"

"Oo?" My forehead creased. "Tsaka anong anak? That's Sirius, my nephew."

Parang tumigil ang mundo ni Caspian sa nangyari, gulong napatingin s'ya pabalik sa bata na nakamasid lang sa kanya.

"Ma'am! Ma'am! Sorry, hindi ko napansin ang paglabas ni Riu!" Humahangos na lumapit si Alissa at nanatili akong tahimik at nakatitig kay Caspian.

Their eyes met again at sa gulat ko ay hindi ako nakapagsalita nang tampalin ni Sirius ang mukha ni Caspian at nagsalita.

"Panget!" Sirius hissed.

Napaubo ako kaagad, natawa si Alissa sa tabi ko at hindi makapaniwalang napasinghap ako.

"Riu!"

"Panget s'ya iyak! Panget!" He hissed cutely.

"D-Damn," Caspian hissed under his breath.

Mabilis kong binuhat ang pamangkin ko paalis sa hita ng tulirong si Caspian kaya sumilip ako sa kanya habang karga ang bata.

"Cas?" He blinked. Mabilis kong tinanguan si Alissa kaya kinuha n'ya sa Riu mula sa akin at pumasok sa bahay.

I stared at Caspian and saw him wiping his tears, sumikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan s'ya at marahan kong inilapit ang kamay ko sa pisngi n'ya. I helped him dry his tears, nang tuluyan kong matuyo at sinuklay ko ang buhok n'ya ng daliri ko at marahan s'yang inalalayan.

Wala s'yang imik habang inaakay ko s'ya papasok ng bahay ko at nang makarating kami sa sofa ay pinaupo ko s'ya roon bago marahang dumukwang sa harapan n'ya.

"Cas," I called. Mabilis s'yang sumulyap sa akin, namumula pa rin ang mga mata at tila wala sa sarili.

"Hey," Hinanap ko ang mata n'ya at hinaplos ang pisngi n'ya. His face soften, nang makita ako ay nagbaba s'ya ng tingin at kumuyom ang kamay.

"I-I'm sorry, Reev...I-I just."

"It's alright," I said. He nodded, naupo ako sa tabi n'ya at marahang tinapik ang hita n'ya kaya napatingin s'ya.

"H-He has green eyes," He murmured. Nakita kong sumulyap s'ya sa kusina at pabalik sa akin.

"His father has green eyes like yours," I smiled at him. "Sadly, he died in a car accident. Tapos 'yung Mama n'ya namatay sa panganganak sa kanya."

He nodded, nabakas ko ang lubos na lungkot sa mga mata n'ya kaya pinisil ko ang kamay n'ya at nagsalita.

"Diba I told you, if you are sad just look at the stars para mawala 'yung bigat sa puso mo. You want us to go upstairs so you can see it?"

"No need," Tumitig s'ya sa akin. "I'm looking at my stars right now."

I froze. Napakurap ako at hindi nakapagsalita kaagad kaya malungkot s'yang ngumiti at hinaplos ang pisngi ko.

"I'm sorry, Reev." He whispered.

"F-For?" I stuttered but he shook his head and lowered his face. Nailing s'ya sa sarili at humugot ng hininga. "Mababaliw na ata ako."

Promise To A StardustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon