4th Chapter: I Want To Keep Sunny

1.4K 86 10
                                    

"WE'LL BE back, Sunny," bulong ko sa kanya habang nakaupo ako sa silya sa tabi ng kama kung saan siya nakahiga. "I'll be quick, promise."

Kahit na nagpaalam na ko sa kanya, hindi pa rin ako makaalis sa kinauupuan ko dahil ayoko siyang iwan ng nag-iisa sa ganitong kalagayan.

Nalinis ko na ang sugat niya sa noo at nilagyan 'yon ng gaza para hindi magkaro'n ng infection. Mabuti na lang at mababaw lang ang sugat at hindi na kailangang tahiin. Bukod do'n, wala na siyang ibang injury. Mahimbing na rin ang tulog niya dala siguro ng pagod.

"Levi, let's hurry," sabi sa'kin ni Mommy nang pumasok siya sa kuwarto. "Kailangan na nating ilabas 'yong Jared bago pa may maghanap sa kanya rito."

Tumango ako dahil alam ko namang kailangan na talaga naming idispatsa ang lalaking 'yon. "Okay, Mom."

I stood up and gave Sunny one last look before I quietly left the room. Ni-lock ko 'yon para hindi siya makalabas kung sakaling magising siya habang wala pa kami ni Mommy. Ayoko rin namang gawin 'to pero gusto kong makasiguro na makakapag-usap kami. Ngayong alam na niyang buhay na manika ako, gusto ko namang makipagkaibigan sa kanya.

"You didn't hold back, did you?" iiling-iling na tanong sa'kin ng mommy ko nang bumaba ako ng grand staircase. "You almost killed this child, Levi."

Nakatayo si Mommy sa dulo ng hagdan at binabantayan si Jared na nakadapa sa sahig. Pagkatapos kong ihiga si Sunny sa kama kanina, nilabas ko naman ng kuwarto ang lalaki. Na-tempt akong pagulungin siya sa hagdan pero ayoko namang maging crime scene ang mansiyon. Kaya labag man sa loob ko, binuhat ko na lang siya at binaba sa sala habang hinihintay si Mom.

"He's lucky that Sunny begged me to spare his life," sagot ko, saka ko binuhat si Jared at isinampay sa balikat ko. Hindi ko nararamdaman ang bigat niya kaya hindi ako nahihirapang gawin 'to kahit hindi hamak na mas malaki ang katawan niya kesa sa'kin. "Kung hindi ako pinigilan ni Sunny kanina, baka kung ano na ang nagawa ko sa kanya."

Bumuga ng hangin si Mommy habang iiling-iling, saka siya naunang maglakad para buksan ang pinto. "Pa'no kung magsumbong siya sa mga residente rito? Baka sugurin tayo ng buong bayan niyan."

"Mom, this guy is stoned," paalala ko sa kanya habang naglalakad na kami papunta sa garahe kung nasa'n ang kotse niya. "If ever na magsumbong nga siya at may sumugod sa mansiyon, sabihin mo lang na nag-trespass siya habang high sa drugs. Na baka hallucination lang ang nakita niyang "possessed doll." Marami naman tayong manika sa mansiyon kaya walang magdududa sa kuwento mo."

Binigyan niya ko ng kakaibang tingin bago niya binuksan ang pinto ng backseat. "You sound really upset, son. Ngayon lang uli kita narinig na magsalita sa ganyang tono."

Gusto ko sanang ihagis na lang si Jared sa backseat pero nag-alala ako na baka ang kotse naman ng mommy ko ang maging crime scene. Kaya maayos at maingat ko siyang hiniga sa upuan. Pero bago ako lumabas, binatukan ko muna siya.

"Levi," natatawang saway sa'kin ni Mommy na naglalakad na papunta sa driver's side ng kotse. "What are you doing?"

"He pisses me off," sagot ko, saka ako sumakay sa passenger seat. Pagkatapos, sinuklob ko ang hoodie sa ulo ko. Nagsuot din ako ng surgical mask at mga hand gloves para walang makapansin na hindi ako normal na tao. Heavily-tinted naman ang mga bintana ng sasakyan ni Mommy pero mabuti na rin ang nag-iingat. Ngayon lang uli ako lalabas ng mansiyon.

Kaya naman sana ni Mommy na mag-isang ilabas si Jared sa kotse. Pero siguradong matatagalan siya kaya nagdesisyon akong sumama sa kanya. Mas mabuti na 'yong bilisan nila ang pagkilos bago pa may makakita sa gagawin nila.

"How do you feel, son?" maingat na tanong sa'kin ni Mommy no'ng nag-da-drive na siya sa madilim at malubak na kalsada. "Ngayon ka lang uli lalabas ng mansiyon."

"Wala namang makikita rito sa Sta. Elena kaya wala akong nararamdaman," matapat na sagot ko habang nakatingin sa labas. The only thing worth looking at in this place is the night sky. After all, the stars here are more visible. Puwede naman niyang tingnan ang mga bituin mula sa kuwarto niya kaya wala siyang nararamdamang espesyal ngayon. Saka siyempre, may isa pang dahilan kung bakit hindi siya excited sa paglabas. "Plus, I want to hurry and come home as soon as we're done. I want to take care of Sunny."

It's an irony, really.

Noon, ayaw na ayaw ko na nakakulong lang ako sa mansiyon. Pero ngayon, hindi na ko makapaghintay na makauwi.

"Mommy, I want to keep Sunny," seryosong deklara ko, saka ko nilingon si Mommy na napansin kong parang kinakabahan ng mga sandaling 'yon. "Please help me convince her to stay at the mansion."

"How can I do that, son?" parang frustrated na tanong niya sa'kin. "You just locked her up in your room. Tingin mo ba, matutuwa siya sa'yo kapag nagising siya at nakita niyang nakakulong siya sa kuwarto mo? Lalo na ngayong alam na niya na buhay na manika ka."

"We need an immediate replacement for Tatay Tonio."

"Huh?"

"Offer Sunny the job that Tatay Tonio left behind," pakiusap ko sa kanya. "If we need to pay her a huge sum of money, so be it."

"Gusto mo siyang bilhin?"

"Ang oras lang niya ang bibilhin ko at hindi ang pagkatao niya," giit ko naman. "I know that it still sounds awful but what can I do? I'm desperate, Mom. Alam mong hindi natin siya ma-ko-convince na maging housekeeper sa normal na paraan. I'm a living doll and no one in their sane mind would want to stay in a mansion with me. I know that much."

Tumingin uli ako sa labas ng bintana para kalmahin ang sarili ko. Nagiging bad habit ko na ang pag-la-lash out kay Mommy kapag frustrated ako.

I'm ashamed of it but right now, I can't control my temper around her yet. Not after I found out that she wanted to burn me to death. Kahit pa sinasabi ko sa sarili ko na tanggap ko 'yon, kung minsan ay lumalabas pa rin ang hinanakit ko kapag naaalala ko ang plano niya. Naguguluhan na rin ako sa damdamin ko, sa totoo lang.

"Still, I want to be with Sunny even just for a while," pabulong na pagpapatuloy ko. "I won't ask for anything else after this, Mom."

NEBULA (aka Levi's Supernova) Where stories live. Discover now