13th Chapter: My Miserable Life

909 78 2
                                    

I DIDN'T really want to tell Sunny the truth. Look at her shocked face. But even if I don't admit it, I knew that a part of me wanted to open up to her and that part prevailed.

Napalunok siya, halatang nabigla pa rin kahit mukha namang may ideya na siya sa nangyari. "Tama rin ba ko na tinangka niyang sunugin ang bahay na 'to kasama ka?"

Tumango ako, at napilitang sagutin ang tanong niya kahit alam kong mas lalo lang siyang masasaktan para sa'kin. "Tama ka uli, Sunny. No'ng unang gabing nagpunta ka sa mansiyon, 'yon ang gabing susunugin sana ni Mommy ang bahay."

She bit her lower lip, obviously holding back her tears.

"Nang dalhin na sa sementeryo ang kabaong ni Tatay Tonio, nagpaiwan siya sandali sa mansiyon para buhusan ng gasolina ang sala," pagkukuwento ko. Kahit kasi halatang naiiyak na si Sunny, alam kong gusto pa rin niyang marinig ang buong kuwento. At gaya ng kanina ko pa sinasabi, hindi ko talaga siya kayang tiisin. How come this girl has so much power over me? "Ang balak sana niya pagkatapos ng libing ay ang umuwi para sindihan ng apoy ang bahay. Pero hindi siya tumuloy sa pagbalik nang nakita niya ang grupo niyo. Nang natulog ka sa kuwarto ko, tinawagan ko siya at sinabi kong sa ibang lugar na lang siya magpalipas ng gabi. That was me telling my mother to not do it that night."

Kitang-kita ko sa mukha niya ang matinding awa. "Hindi tama 'yon. Paano naisipang gawin sa'yo 'yon ng sarili mong mommy?"

"Naiintindihan ko si Mommy," pagtatanggol ko sa mommy ko sa maingat na boses para hindi niya isiping pinapagalitan ko siya. "Sinubukan niyang gawin 'yon dahil ang akala niya, 'yon ang mas makakabuti para sa'kin. At sa tingin ko, hindi naman gano'n kasama ang desisyon niya. The past twenty years of my life were the worst anyway. I'm hopeless case, Sunny."

"You are still his son," giit niya sa basag na boses. "Kung meron mang isang tao na hindi ka dapat susukuan, ang mommy mo 'yon."

"Sunny... si Mommy, sinisisi niya ang sarili niya kung bakit ako naging ganito," paliwanag ko. "'Yon ang dahilan kung bakit para sa kanya, siya rin ang dapat tumapos nito."

Kumunot ang noo niya sa pagtataka. "Hindi ko maintindihan."

"No'ng normal na tao pa ko, na-diagnose na meron akong brain tumor," pagpapatuloy ko sa pagbabahagi ko ng nakaraan ko sa kanya. "Huli na nang matuklasan namin 'yon. Nasa huling stage na 'yon. I was just eighteen then. Dahil do'n, mabilis nagbago ang buhay ko. Bigla-bigla, hindi na ko makapaglaro ng basketball dahil sa madalas na pananakit ng ulo ko. Kaya nga madalas na kong hindi nakaka-attend sa mga practice namin. Parati akong nasa ospital. Pero hindi ko masabi 'yon sa mga kaibigan ko dahil ayokong pag-alalahanin sila."

Sharing my past with Sunny wasn't hard like I thought it would be. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa wala na kong nararamdamang sakit, o baka naman masyado lang akong komportable kay Sunny. Ah, maybe it's the latter. This redhead has really captivated me.

"Tinaningan na ko ng mga doktor ko no'n. Tatlong buwan na lang ang itatagal ko. Ramdam ko rin naman 'yon sa sarili ko. Kaya kahit mahirap para sa'kin, pinilit kong bumalik sa basketball team kung saan ako member noon. Balak ko sanang ibigay ang championship sa mga kasamahan ko bago ako mawala," pagpapatuloy ko sa kuwento. Sa pagkakataong 'yon, nakaramdama ko ng lungkot. Siguro kasi nakita ko no'ng nakaraan lang ang old photo ng team ko na pinost ni Coach Nap sa social media. Ang paglalaro ng basketball ang isa sa mga pinakamasayang alaala ko noong tao pa ko. Pero ngayon, nakakalunkot na ang pag-alala sa mga 'yon. "Pero ilang araw bago ang final game, bumagsak ang katawan ko. Sinabihan si Mommy ng mga doktor na ihanda na ang sarili niya dahil walang kasiguraduhan kung magiging matagumpay ang surgery ko. Hindi nga naging maayos 'yon dahil na-coma ako pagkatapos ng operasyon ko. My mother was devastated. Dala ng desperasyon para mailigtas ang nag-iisa niyang anak, nagawa niya ang tinuturing niyang pinakamalaking pagkakamali ng buhay niya."

"Ano naman 'yon?" nagtatakang tanong niya.

"Tinanggap niya ang tulong ni Louissa," sagot ko sa iritadong boses dahil mabilis talaga akong naiirita kapag naaalala si Louissa– ang babaeng sumumpa sa'kin.

Sunny's emotion is very apparent at that moment.

Won't she stop being cute?

"She was my ex-girlfriend," sagot ko sa tanong sa mga mata niya. "She came from a family who practices black magic. No'ng umpisa pa lang, natakot na ko sa sobrang pagka-attach niya sa'kin kaya hiniwalayan ko siya. Pero hindi pa rin siya tumigil sa pagsunod-sunod sa'kin at pagbabanta na makukuha rin niya ko balang-araw. Nagkaro'n siya nang pagkakataong magawa 'yon. Habang nasa coma ako, ang sabi ni Mommy sa'kin noon, parati raw akong dinadalaw ni Louissa. She was convincing my mother to let her 'heal' me using black magic."

Kumunot ang noo niya. "So... Louissa is some kind of a witch?"

"She was," sagot ko. "Nakumbinsi niya si Mommy na ilabas ako ng ospital para magawa niya ang mahika na gigising daw sa'kin at mag-aalis ng cancer sa utak ko. Nagtagumpay naman siya. Nagising nga ako mula sa pagiging comatose."

"Pero manika ka na nang magising ka," pabulong na dugtong niya sa kuwento ko.

Tumango ako bilang kumpirmasyon. "No'ng una pa lang, wala na talagang balak si Louissa na tulungan akong gumaling. Gusto lang niya kong gantihan. Ang tingin niya sa'kin, walang puso. Para raw akong manika na maganda lang titigan, pero wala namang kakayahang magmahal. So she turned me into a doll."

Napasinghap siya. "That was..." Halata sa mukha niya na tumigil siya para pigilan ang sariling makapagsalita ng masama. She must be really angry at Louissa after hearing my story. "Saan nakatira ang bitch witch na 'yon? Schoolmates kayo so dito lang din siya sa Bulacan nakatira, 'no? Saang bayan? Ano'ng barangay?"

Muntik na kong mapangiti dahil sa ka-cute-an ni Sunny pero pinigilan ko ang sarili ko dahil seryoso pa ang usapan. "Louissa is dead, Sunny."

Bigla siyang kumalma dala siguro ng gulat. "Ano'ng nangyari sa kanya?"

"Buhay niya ang naging kapalit para maging epektibo ang itim na mahika na ginamit niya sa'kin. She died the moment I turned into a doll," sagot ko, saka ko isinara ng mahigpit ang mga kamay ko para kalmahin ang sarili ko. I don't want Sunny to see me angry but I can't help it. "Nang nagising ako at nalaman kong naging manika na ko dahil sa kagagawan ni Louissa, gusto ko siyang patayin. Pero wala na siya. Siniguro niyang magiging malakas ang sumpa niya sa'kin kaya isinakripisyo niya ang buhay niya. Kaya nga wala nang nakatulong sa'kin na kahit na sinong gumagamit din ng itim na mahika o salamangka. Gaya nga ng sinabi ko kanina, wala na kong pag-asa."

Sunny cried, she seriously cried her eyes out for me.

I wanted to comfort her, but seeing her grieve for me made me weak. My life for the past twenty years has really been miserable, huh?

***
Note: Hindi ako mag-a-update this April 18-19. See you next week. 😊

NEBULA (aka Levi's Supernova) Where stories live. Discover now