38th Chapter

2.1K 97 87
                                    

"THANK you, Smith," sincere na sabi ko nang iabot niya sa'kin ang ukelele na ipinahanap pa niya sa mga tauhan ng hotel. "I'm sorry for the trouble."

Nag-"okay sign" sa'kin si Smith habang habol niya ang hininga. "No problem, brother. 'Di ba nga, I'm rooting for you and Sunny?" Nang natawa lang ako sa sinabi niya, marahan niyang tinapik ang balikat ko. "Good luck."

Nakangiting tumango ako, saka ako tumingin kay Vince na nilalatag naman ang picnic blanket sa buhangin. Pinatong niya sa kumot ang picnic basket na may lamang mga sandwich at tumbler na may laman namang juice. Oo, iyon ang baon namin kanina sa biyahe pero wala na kong oras para magluto ng bagong pagkain para kay Sunny. "Thank you rin sa tulong, Vince."

"I'm your ally," nakangising sagot naman ni Vince nang tumayo na siya. Pagkatapos, lumagpas ang tingin niya sa'kin at nanlaki ang mga mata. "OMG, they're here! Nakikita ko na sina Hani at Sunny!"

"Then, we should run, idiot!" playful na sabi ni Smith kay Vince, saka siya tumakbo palayo. "Bye, Levi. Have fun!"

"Have fun!" sabi rin ni Vince na tumatakbo na pasunod kay Smith. "And don't forget to use protection... from the mosquitoes, of course!"

Okay, that was something that would make me blush once my human body returns.

Mukhang alam din 'yon nina Vince at Smith na sabay natawa ng malakas, saka nag-apir. Halata namang dirty joke 'yon, eh, hindi pa dineretso.

Lagot kayo sa'kin mamaya.

"Levi!"

Nilingon ko si Hani na tumawag sa'kin. No'n ko lang namalayan na naglalakad na pala palapit sa'kin si Sunny habang si Hani naman, nakatayo lang sa malayo habang kumakaway.

Humihina na ba ang supposedly heightened senses ko?

"Enjoy your date!" nakangiti at kumakaway na sabi sa'kin ni Hani. "But please be mindful of time. Kuya Felix said that you must return before nine PM!"

'Daddy Felix' is back, huh?

"'Got it!" malakas na sagot ko naman para marinig niya ko. "Thank you, Hani!"

Ngumiti lang si Hani at nag-double thumbs up.

Mayamaya lang, sumulpot sa likuran ng babae sina Vince at Smith na nag-thumbs up din sa kanya. Nang nag-thumbs up din siya bilangs sagot, saka lang umalis ang tatlo.

"Mukhang super close ka na sa friends ko, ha?" nakasimangot na sita sa'kin ni Sunny, saka siya umupo sa kumot sa buhangin. Pagkatapos, humiga siya at tumitig sa night sky na malapit nang mapuno ng mga bituin. "Lahat sila, tumulong sa surprise mo na 'to."

"They love me," sagot ko, saka ako umupo sa tabi niya at sinimulan nang kalikutin ang strings ng hawak kong ukelele. "You should know by now that I'm very charming."

"I know," pagsang-ayon niya sa matabang na boses. "Kaya nga playboy ka noon, 'di ba?"

"That's not true," tanggi ko naman. "Mumultuhin ko talaga si Coach Nap para gantihan siya dahil sa tinanim niyang 'yan sa isip mo."

"Mumultuhin?" sita uli niya sa'kin, saka siya lumingon sa'kin para bigyan ako ng matalim na tingin. "So, ginagawa mo nang joke ngayon ang impending death mo?"

"Chill, Sunny," iiling-iling na saway ko sa kanya. "Ang dami na nating oras na nasayang. Hanggang dito ba sa date natin, mag-aaway pa rin tayo?"

Nag-iwas uli siya ng tingin sa'kin para tumitig sa madilim nang kalangitan. "Ang sabi ni Tita Carolina, depende daw sa feelings natin ang bilis ng pagbalik mo sa pagiging tao. Kung aawayin kita at pipilitin ko ang sarili ko na i-hate ka, baka bumagal ang "transformation" mo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NEBULA (aka Levi's Supernova) Where stories live. Discover now