37th Chapter

699 46 6
                                    

"LEVI, nandito na tayo sa hotel premise," sabi sa'kin ni Felix habang nakatingin sa'kin mula sa rearview mirror ng van. Nasa pinakadulong backseat kasi kami ni Sunny ngayon. Kami na lang ang naiwan doon dahil nauna nang bumaba sina Hani, Vince, at Smith para siguraduhin daw na malayo ang mga guwardiya doon. "Tulog pa ba si Sunny?"

"Yeah, totoong tulog na siya ngayon," sagot ko, saka ko tiningnan si Sunny na nakahiga sa dibdib ko habang nakayakap ng mahigpit sa baywang ko. I smiled and placed a soft kiss on the top of her head. Cute.

Kanina kasi, hindi ako pinapansin ni Sunny kahit magka-holding hands kami. Nagpanggap pa nga siyang tulog para siguro hindi kami mag-usap. Pero no'ng talagang inantok siya, yumakap na siya sa'kin at nakatulog ng totoo. Kaya heto, hindi pa rin siya nagigising.

"Can we talk?" seryosong tanong ni Felix dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Pinabalik ko si Vince dito para siya na ang maghatid kay Sunny sa hotel room."

Alam ko kung ano ang gusto niyang pag-usapan kaya hindi na ko tumanggi. "Okay."

Mayamaya lang, dumating na nga si Vince.

"Sunny," paggising ko sa kanya, saka ko siya marahang inalog sa balikat. "Wake up." Hinalikan ko siya sa tungki ng ilong nang nangggigil ako sa ka-cute-an niya. "Hey."

Kumunot ang noo ni Sunny na parang mababahing pero hindi naman 'yon natuloy. Umatras siya palayo sa'kin, saka siya nagmulat ng mga mata para bigyan ako ng matalim na tingin. "What?"

"Vince will bring you to your room," sabi ko sa kanya, saka ko marahang pinunasan ang panis na laway sa pisngi niya. Namula ang mukha niya nang ma-realize ang ginagawa ko kaya napangiti naman ako. "Mag-uusap lang kami ni Felix."

Kumunot ang noo niya sa pagtataka. "Ano naman ang pag-uusapan niyo?"

"I won't tell you because we haven't made peace, have we?"

Sinimangutan niya lang ako, saka siya bumaba ng van at hinila si Vince na naghihintay sa labas. "Let's go."

"Okay, okay, 'wag mo na kong kaladkarin," reklamo ni Vince habang sinasara ang pinto ng van. "I can walk on my own."

Napangiti na lang ako habang pinapanood si Sunny na hilahin pa rin si Vince papasok sa hotel. Kahit nakakainis na ang pagiging stubborn ni Sunny, cute pa rin siya sa paningin ko. This is how crazy I am about her.

"You're spoiling Sunny kaya lalo siyang nagiging stubborn," sermon sa'kin ni Felix no'ng nag-da-drive na siya. "Lumapit ka nga rito. Ang layo mo, eh."

"Okay, boss," natatawang sagot ko dahil sa pagiging bossy niya. Pagkatapos, nagpalipat-lipat ako ng upuan hanggang makarating ako sa passenger's seat. Nang tumingin ako sa labas, napansin kong nagda-drive siya sa parte ng resort kung saan makikita ang dagat. 'Yon nga lang, madilim ang paligid kaya hindi ko 'yon masyadong makita. "Saan tayo pupunta, Felix?"

"Dito na lang," sagot niya, saka niya hininto ang van sa tapat ng hilera ng mga cabanas na nakaharap sa dagat. "Let's go."

Nauna nang bumaba ng van si Felix.

Sinuot ko muna ang blue bullcap ko, sunglasses, face mask, at gloves bago ako lumabas at sumunod sa kanya. Ang sabi ni Smith, may mga naiwan pa ring mga guwardiya sa resort dahil hindi naman puwedeng walang nagbabantay do'n. Kaya heto, nag-iingat ako.

Nakita ko si Felix na nakaupo na sa loob ng cabanas. Sumunod ako sa kanya at umupo sa tapat niya. Pero nanatili siyang nakatingin sa labas na parang nag-iisip ng malalim.

"Levi, nakikita mo ang sarili mo sa ibang universe sa tuwing nananaginip ka, 'di ba?" seryosong tanong ni Felix, saka siya tumingin sa'kin. "At kapag napupunta ka sa ibang universe, nakikita mo ro'n ang version ko na aware na ibang tao ka. Am I correct?"

NEBULA (aka Levi's Supernova) जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें