28th Chapter

774 68 8
                                    

"LEVI, wait ka lang d'yan, ha?"

"Okay," sagot ko sa pakiusap ni Sunny habang nakatayo sa harap ng kuwarto na gagamitin nila ni Sunny. Hinatid ko siya ro'n dahil tinulungan ko siyang magbuhat ng mga bag niya. I was about to say goodnight when she seemed to remember something. Ano kaya 'yon?

Sa totoo lang, naiilang ako na ibang mga tao ang makakasama ko ngayon. Pero hindi naman ako puwedeng mag-request na si Sunny ang makasama ko dahil sinabi na ni Felix ang house rules niya kanina. Saka magiging abusado na ko kung mag-de-demand pa ko ng gano'n.

"Levi, take our baby with you," nakangiti at parang bata na sabi ni Sunny nang nakatayo na uli siya sa harapan ko. Pagkatapos, inabot niya sa'kin ang owl plushie na regalo niya sa'kin. Ibinigay ko sa kanya 'yon kanina kaya nagtataka ako kung bakit ibinalik niya ngayon. Mukhang napansin niya ang pagtataka ko kaya nagpaliwanag agad siya sa'kin. "Mas kailangan mo siya, eh. Baka kasi maging uncomfortable ka since ngayon mo lang nakilala sina Felix."

Napangiti ako dala ng magkahalong pagka-touch at kilig. I'm too old for kilig, I know. But that's how I really feel. "Thank you, Sunny." Niyakap ko ang owl plushie kahit si Sunny ang gusto kong yakapin. Pero pinigilan ko ang sarili ko kasi nasa loob lang ng kuwarto si Hani, at nasa sala pa sina Felix at Smith. "This owl is our baby?"

Tumango siya na parang nahihiya, saka niya niyakap ang pinto na parang nagpipigil din siya na yakapin ako kaya ibang bagay na lang ang kinapitan niya. "Let's call him Owl."

"Very creative," natatawang sabi ko pero wala rin naman akong maisip na ibang pangalan kaya pumayag na ko ro'n. "Okay, he's 'Owl' from tonight."

"I'm giving you three minutes, lovebirds," sabi sa'min ni Felix nang dumaan siya sa likuran ko para pumunta na sa guest room.

Sunny rolled her eyes at Felix before she turned to me. "You should go to your room, Levi. Baka pagalitan ka ni Daddy Felix."

I want to tell her to stop calling Felix 'Daddy Felix' because it doesn't sound good to my ears. But I know that Sunny is innocent and she doesn't know the "dirty" other meaning of the word 'daddy.' Of course, I know that since I'm well-read.

"I'm just here to say goodnight," sabi ko na lang kay Felix bago siya pumasok sa guest room.

Tiningnan lang ako ni Felix, saka niya binalingan si Smith para tawagin at papasukin na rin. Ah, mukhang istrikto talaga siya sa house rules niya.

Binalik ko kay Sunny ang atensiyon ko, saka ko inangat si Owl. "And thank you for this. Hindi ako nakapagpasalamat sa'yo noon sa mga ibinigay mong regalo."

Ngumiti si Sunny. Napapadalas na ang pagngiti niya ngayon. And that makes me happy, too. "You're welcome."

Okay, I've already reached my limit.

I wrapped an arm around her waist and gently put my hand on the small of her back. Then, I leaned down to kiss her on the forehead. As soon as my lips touched her skin, I felt her warmth. Is she blushing? "Good-night, Sunny."

Nang humiwalay na ko sa kanya para tingnan ang mukha niya, napansin kong nakayuko siya at hindi makatingin sa'kin. Gaya ng inaasahan ko, namumula nga ang mga pisngi niya.

Cute.

"Good-night, Levi," halatang nahihiyang sabi ni Sunny, saka siya ngumiti sa'kin bago niya isinara ang pinto.

As soon as she closed the door, I heard her squeal inside the room.

Of course, that made me laugh softly.

Hindi lang pala ako ang kinikilig.

The kiss I gave Sunny gave me courage in return.

Kaya sana, nagkaro'n din siya ng tapang para ayusin na ang problema nila ni Hani.

NEBULA (aka Levi's Supernova) Where stories live. Discover now