22nd Chapter

993 59 3
                                    

INTRUDER?

Nakahiga ako sa kama at nag-se-search sa phone ko ng female game characters na katulad ng nakita ko sa panaginip ko nang marinig ko ang pagtama ng kung ano sa bintana ng kuwarto ko. Nang lumingon ako, nakita kong pebbles pala ang tumatama sa salamin.

Hindi naman ako nag-aalala na baka mabasag 'yon dahil gawa 'yon sa fiber glass. Pero nakakainis pa rin na may mga tao talaga na walang magawa sa buhay at naninira ng property ng iba. Kung minsan tuloy, gusto kong magpakita sa mga residente para takutin sila.

Don't tell me it's Jared and his gang again?

Nilapag ko muna sa night table ang phone ko, saka ako naglakad papunta sa harap ng bintana at sumilip sa labas. Hindi naman ako makikita dahil heavily-tinted ang mga bintana ko. Nang makita ko kung sino ang "trespasser," napailing-iling ako.

Oh, Sunny...

Of course, I'm happy to see her again. Pero sa ngayon, mas matimbang ang pag-aalala ko. Ngayong inamin ko na sa sarili ko na mahal ko siya, mahihirapan na kong pakawalan siya kung lalapit uli siya sa'kin. But I don't want to be a greedy monster.

"Levi, kung nakikita at naririnig mo ko, please open your window," sigaw ni Sunny na para bang siguradong-sigurado siya na nakikita at naririnig ko siya ngayon. Ramdam siguro niya na nakatingin ako sa kanya. Anyway, napansin ko rin na may dala siyang malaking paperbag. "Papasukin mo ko. May importanteng sasabihin ako sa'yo."

"I don't want to," sagot ko kahit alam kong hindi naman niya ko naririnig. "Kapag pinapasok kita ngayon, hindi ako sigurado kung papayagan pa kitang lumabas."

"Okay, gets ko na," malakas na pagsuko niya habang naglalakad siya ng paatras. "Aalis na ko. Bye!"

"Yes, you should leave," sabi ko naman habang hinahatid ko siya ng tingin. I really wanted to run after her, carry her inside the mansion, and lock her up in my room forever. Kinilabutan ako sa mga naiisip ko. "See? I'm afraid of my own thoughts, Sunny."

Napasinghap ako nang makita kong natalisod si Sunny pagkatapos niyang tumakbo. Mukhang nasaktan talaga siya dahil napasigaw at napaiyak siya habang nakaupo sa lupa at hinihipan ang sugat niya. Hindi ko masyadong nakikita pero posibleng dumudugo 'yon.

Shit.

Sa pagkakataong 'yon, mas nangibabaw na ang pag-aalala ko kaya nagmamadali akong lumabas ng kuwarto at nagpunta sa kusina. Kinuha ko ang first-aid kit sa cabinet. Pagkatapos, pumunta naman ako sa sala at nilapag ang kit sa coffee table.

And then, I opened the main door. Pero kahit binuksan ko ang pinto, hindi ko binuksan ang mga ilaw. Mas lalo pang dumilim dahil nakatakip ang mga kurtina sa mga bintana.

Nang maramdaman kong papasok na si Sunny, umakyat ako ng hagdan hanggang nasa pinakamataas na step na ko. Kahit nasa tuktok na ko, makikita ko pa rin naman siya mula sa kinatatayuan ko kaya kontento na ko ro'n.

"Levi?" paghahanap agad sa'kin ni Sunny nang pumasok siya sa mansiyon.

"May first-aid kit sa coffee table," malamig na sabi ko para maramdaman niyang wala akong planong hayaan siyang magtagal sa mansiyon. "Linisin mo muna ang sugat mo. Pagkatapos, umalis ka na at huwag na uling babalik. Sa susunod, kahit ano pa ang mangyari sa'yo sa loob ng bakuran ko, hinding-hindi ko na uli bubuksan ang pinto para sa'yo."

Ayoko rin namang maging ganito kalamig kay Sunny. Pero kailangan ko 'tong gawin para siya na ang kusang umalis. Kung ang saktan ang feelings niya ang pinakamabilis na paraan para layuan niya ko, gagawin ko.

But it doesn't mean that I'm not hurting.

Ako 'tong in love sa kanya kaya hindi madali sa'kin ang itaboy siya kahit gustong-gusto ko siyang yakapin at makasama rito sa mansiyon habambuhay.

NEBULA (aka Levi's Supernova) Onde histórias criam vida. Descubra agora