21st Chapter: Strange Dreams

837 50 4
                                    

"HEY, WAKE up."

Napakurap-kurap ako nang bigla akong magising dahil sa nagsalita. Nagtaka ako nang sumalubong sa'kin ang isang malapad na computer monitor kung saan may nakabukas na drawing app. At sa app na 'yon, may nakaguhit na female game character.

The female character has short red hair. Base sa suot at hawak na weapon niyon, halatang isa 'yong swordswoman. Sa dami ng online games na nalaro ko na, masasabi kong ngayon ko lang 'yon nakita. Na para bang original character 'yon...

... at mukhang ako ang gumagawa sa female game character na may pulang buhok dahil sa hawak kong drawing pen.

"You're the other "him" from another universe, aren't you?"

Gulat na nag-angat ako ng tingin sa lalaking nakatayo sa harap ng table ko. Gaya ko, nakasuot din siya ng corporate attire. Habang nakatitig sa kanya, na-realize ko na kamukha niya 'yong male high school student na nakita ko sa nakaraan kong panaginip.

He still has the same bored, menacing look on his face.

Only this time, the other guy seems older. Maybe he's in his mid to late twenties. Does it mean I'm older in this dream, too?

Tumingin ako sa computer pagkatapos kong isara ang nakabukas na app. Pagkatapos, tinitigan ko ang reflection ko sa monitor. Nakikita ko pa rin ang mukha ko pero mas matanda na 'yon ngayon. Isang bagay na hindi posibleng mangyari kung manika pa rin ako.

"You look confused," komento ng lalaki dahilan para lingunin ko siya. "We haven't met in your universe, have we?"

I was just about to ask who he really is when suddenly, I woke up.

Goddammit.

"What the hell is that?" tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa plain ceiling ng Playroom habang nakahiga sa sahig at napapaligiran ng mga nakakalat na picture books. "Nananaginip ba talaga ako o nababaliw na ko?"

Siyempre, katahimikan lang ang sumalubong sa'kin.

Hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari. Kanina, nagpunta ako sa Playroom para basahin ang mga picture book na nakita kong binasa ni Sunny no'ng nandito pa siya. Pero bigla akong hinila ng antok.

The next thing I knew, I was already in another weird dream.

"If I'm going to dream, I want to dream about Sunny," malakas na reklamo ko, umaasang maririnig ng universe ang hinanakit ko. "Why do I keep seeing the same unknown guy in my dreams anyway? Is that a new kind of torture, Universe?"

Ipinatong ko ang isang braso ko sa mga mata ko, saka ako pumikit dahil ayoko nang problemahin ang pag-de-decipher sa panaginip na hindi naman makakatulong sa sitwasyon ko.

And dammit, I can close my eyes now.

Ibig bang sabihin nito, unti-unti nang bumabalik sa pagiging tao ang katawan ko?

My curse has really been broken, it seems.

Gusto kong maging masaya dahil simula nang maging manika ako, wala akong ibang hiniling kundi ang bumalik sa pagiging tao. Pero ngayong nangyayari na ang matagal ko nang hinihingi sa universe, naiisip ko na rin ang posibleng maging kapalit niyon.

Had I not met Sunny, I would have been thankful for the "catch."

But after falling in love with her, the catch has become nothing but a tragedy to me.

Wait, did I just admit to myself that I love Sunny?

Godddammit.

Kinuha ko ang phone sa tabi ko at nag-log in sa FB. Nag-scroll ako sa gallery hanggang sa nakita ko ang malinaw na picture ng galaxy painting sa kisame ng kuwarto ko. Pagkatapos, in-upload ko 'yon at nilagyan pa ng caption: "The universe is a bitch."

Then, I "visited" Sunny's profile. I downloaded her recent profile picture before I did what I had to– and that's to block her account. Sa ganitong paraan, hindi na ko magiging updated sa buhay niya. At kapag nalaman niyang naka-block siya sa'kin, magagalit naman siya sa'kin.

She holds grudges so she might ignore me once she finds out that I blocked her on FB.

Kung siya na mismo ang iiwas sa'kin, mas mapapadali para sa'kin ang pigilan ang sarili kong magmakaawa sa kanya para bumalik dito. Kahit na miss na miss ko na siya, hindi pa rin ako puwedeng maging makasarili. Lalo na't alam ko nang walang patutunguhan ang damdamin ko para sa kanya. Kahit pa may maliit na posibilidad na may feelings din siya para sa'kin.

Mabali man ang sumpa o hindi, mukhang wala talagang pag-asa na maging masaya kami.

The universe is a bitch, indeed.

NEBULA (aka Levi's Supernova) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon