34th Chapter

745 51 10
                                    

I STAYED in the guest room to rest. Hanggang ngayon kasi, nanghihina pa rin ako. Kasama ko si Felix– na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng business book– dahil gusto raw niyang bantayan ako. Hindi pa ko handang makipag-usap sa kahit sino kaya nagpanggap akong natutulog. Saka kailangan kong mag-concentrate sa pakikinig.

Pero kahit nandito ako sa kuwarto at nasa kusina naman sina Sunny, naririnig ko pa rin ang malakas nilang usapan. Saka simula nang naging manika ako, naging mas matalas na rin ang senses ko kaya nga nararamdaman ko ang pinakamaliit na nangyayari sa loob ng mansiyon noon. Bukod do'n, naging mas malakas din ako kesa sa normal na tao dahil sa katawang-manika ko.

Ngayon lang ako nagpasalamat sa matalas kong senses dahil kahit malayo ako kay Sunny ngayon, naririnig ko pa rin siya.

"Tita Carolina, wala na ba talagang pag-asa para mahinto ang pagiging tao uli ni Levi?" nagmamakaawang tanong ni Sunny kay Tita Carolina. "Hindi niyo ba kayang pahintuin ang pagbabago niya?"

Sunny's desperation broke my heart. Pero mas masakit 'yong huli niyang tanong sa ginang. Naiintindihan ko kung bakit niya 'yon tinanong. But it still hurts to know that she'd rather let me live the rest of my life as a doll than see me turn back into being human again.

"Sunny, honey, naririnig mo ba ang sarili mo?" halatang gulat na tanong sa kanya ni Tita Carolina. "Gusto mong huwag nang bumalik sa pagiging tao si Levi?"

Narinig kong umiyak na naman si Sunny at nang muli siyang magsalita, puno na ng sakit ang boses niya. "Tita, kapag bumalik si Levi sa pagiging tao, mamamatay siya dahil sa brain tumor niya," paliwanag niya sa ginang para siguro maintindihan nito ang desisyon niya. "Bago siya naging manika, comatosed na siya at wala nang pag-asang maging tao. Kahit wala na ang sumpa niya, iiwan pa rin niya ko dahil sa cancer niya."

Natahimik ang buong kusina.

Alam kong kasama nina Sunny at Tita Carolina sina Hani at Smith pero kanina pa sila walang imik. Si Vince naman, naririnig ko na kausap sa phone si Tita Viel– ang mommy niya at tita ni Sunny– para i-assure ang pamilya na maayos ang kalagayan nilang magpinsan.

"Please, Tita," pagpapatuloy ni Sunny sa desperadong boses. "Mas gugustuhin ko nang maging manika si Levi habambuhay kaysa namin maging tao siya para lang mamatay agad."

"I'm sorry, Sunny," malungkot na sagot ng ginang. "Wala akong kakayahang para gawin 'yon. Ang paggamit ng itim na mahika ay matagal nang itinigil ng pamilya namin. Kaalaman na lang ang naiwan sa'min at psychic ability. Gaya ng nangyari sa'kin. Ang kaya ko lang gawin ay bumasa ng sumpa at makita ang lunas niyon. Pero hindi ko kayang kontrahin 'yon. I also don't have the ability to cast a spell. And it's too late for that. Levi has been freed from the curse the moment he started to change."

"What triggers his change, Tita?" tanong ni Sunny.

"Ang lalim ng pag-ibig niyo para sa isa't isa," matapat na sagot ni Tita Carolina. "Habang mas nahuhulog ang loob ni Levi sa'yo at sa tuwing nararamdaman niya ang pagmamahal mo sa kanya, mas bumibilis ang pagbabago niya. Nagiging tao uli siya dahil sa pagmamahalan niyong dalawa."

Hindi na ko nagulat sa "diagnosis" ni Tita Carolina sa sumpa ko dahil kahit ako mismo sa sarili ko, alam ko namang ang pagmamahalan namin ni Sunny ang dahilan ng pagbabago ko.

It's a beautiful misery.

"I'm killing Levi," akusa ni Sunny sa sarili niya sa miserableng boses.

Nasaktan ako para kay Sunny pero inaasahan ko nang magiging ganito ang reaksyon niya. Kaya nga ayokong malaman niya ang "catch" ng paglaya ko sa sumpa, eh. Kaso, wala na kong magagawa ngayong alam na niya 'yon.

NEBULA (aka Levi's Supernova) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon