CHAPTER 1

14.2K 331 46
                                    

“Ate!”

Dinig kong tawag sakin ng kapatid ko habang kinakatok ang mumunti kong kwarto.

Bagot akong bumangon sa kama saka kusot ang mga matang pinagbuksan ko siya ng pintuan.

“Ano na naman ba 'yan, Hasa?!” inis kong tanong dito ngunit sinalubong ako ng lintek na amoy na bulaklak ng patay. “Putang ina!” mura ko nang matusok ako sa tangkay nito.

“Ate, nagpadala na naman ng bulaklak at tsokolate ang prince charming slash secret admirer mo!” tili nito saka pumasok sa loob ng kwarto ko na walang paalam. Binangga pa ako sa balikat. Bastos talaga—

“Ano?!” Saka ko lang napagtanto ang sinabi niya nang tuluyan na ngang makita ang mga bulaklak at tsokolate na kinakain na niya. Lumapit ako sa kaniya saka inagaw ang tsokolate na kinakain. “Akin na 'yan! Itapon mo lahat ng 'yan!” galit kong sabi sa kaniya saka tinapakan ng aking paa ang mga bulaklak at tinapon sa basurahan ang mga tsokolate.

Bumaba ako at sinalubong ako ni mama. “Ano naman ba 'yang ingay, Sana?” nakapamewang nitong tanong sakin.

“Si Hasa kasi! Kung ano-ano nalang ang tinatanggap! Hindi man lang ba siya nag-iisip kung mapapahamak ba siya o hindi?” inis ko namang tugon.

Nakakabwisit talaga 'yang kapatid ko na 'yan.

“Eh, bakit ka ba nagagalit, huh? Palagi namang nagpapadala ng bulaklak at tsokolate ang kung sinuman iyang manliligaw mo? Wala namang bago!” Humugot ako ng hininga sa sinabi ni Mama.

“Mama, hindi mo ako maiintindihan! Basta, simula ngayon wala nang tatanggap na kahit ano mula sa kung sino. Hindi natin alam mamaya may lason pala 'yan o kaya gayuma.” Ayoko na mangyari ulit ang nangyari last week. Ni hindi ko kilala ang kumidnap sakin. Mabuti na nga lang siguro at hindi ako ginahasa.

“Hasa! Bumaba ka dito at ibigay mo sakin 'yang teddy bear! Susunugin ko 'yan!” sigaw ko sa magaling kong kapatid. Bumaba naman agad siya.

“Anong teddy bear ate? May teddy bear ba? Saan?”

“Huwag mo na bilugin ang utak ko. Alam kong may mga teddy bear na kasama ang bulaklak at tsokolate. Akin na!” Kaagad naman niya akong pinag-ilingan.

“Ate, wala talaga.” Umiling iling pa siya habang nakataas ang kaliwang kamay. Halatang nagsisinungaling.

“Ilabas mo na, kung hindi ako ang hahalughog sa kwarto mo," banta ko sa kaniya.

“Sige na nga.” Nakanguso pa siya habang bagsak ang mga balikat na tumaas sa kwarto niya.

Pagkababa niya ay kanda ugaga siya sa mga life-size teddy bear.

“Oh, bakit dalawa lang 'yan? Nasaan ang iba?”

“Sandali lang naman. Ikaw kaya ang magbuhat ng pagkalaki-laking teddies?” reklamo niya.

“Nag-aaway na naman kayo?” Napalingon ako sa nagsasalita.

“Kuya, ikaw pala.” Ngiting ngiti si Hasa sa pinsan namin nang makita ito.

“Hasa, pagtimpla mo muna si kuya ng maiinom," utos ko. “Naisalba mo na naman ang kagagahan niyan," baling ko saka naupo.

“Bakit ka nga pala nandito?” tanong ko sa pinsan kong ngingiti-ngiti na animo'y abnormal na premature.

“Napadaan lang.” Napakamot siya sa ulo niya.

“Ate, wala na pala tayong asukal,” singit ni Hasa mula sa kusina.

“Mangutang ka muna sa tindahan. Sabihin mo babayaran ko mamaya kapag nanalo ako sa pageant," muling utos ko rito.

Ako ang nagsisilibing breadwinner sa pamilya namin. Sumakabilang bahay na si Papa habang si mama naman ay binubuhay din kami sa pagmamanicure. Ako naman ay nagpapart time sa McDo habang nag-aaral. Kung minsan ay rumaraket sa gabi, katulad nalang nitong pageant.

Sweet But Psycho Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang