CHAPTER 4

7.7K 221 21
                                    

Umuwi kami sa bahay na hindi nagkikibuan ni Choluss. Paano, andami niyang binili para samin. Hindi nga yata siya bumili para sa sarili niya. At bukod doon, muntikan na niyang masuntok ang sales man na sunod nang sunod sakin sa department store. Kung hindi ko lang siguro siya pinigilan, malamang nasuntok na nga niya ang lalaki.

Umakyat ako sa itaas at tinapon ang sarili sa kama. Dumapa ako at binaon ko ang mukha ko sa unan.

Nakakapagod ang araw na ito. Hapon na kasi kaming nakauwi. Halos buong araw din kami na nasa labas.

"Are you mad?"

Nanigas ang katawan ko sa kama. Hindi ko man lang namalayan na nasa kuwarto ko pala siya. Bakit ang lapit ng boses niya? Gumilid ako ng higa para tingnan siya pero nagulat ako at muntik nang mahulog sa kama nang makita siyang nakaupo sa kama ko habang nakasandal sa headboard. Mabuti nalang at naging maagap siya, mabilis niyang nahawakan ang bewang ko at nahila palapit sa kaniya.

"Careful," ani niya sa baritonong boses.

Kumunot ang noo ko. Bakit iba ang pangangahulugan ko sa salitang iyon? Palihim kong pinilig ang ulo ko saka bumangon. Ako na yata ang may problema.

Sakto namang tumunog ang cellphone ko kaya nakaiwas ako sa nagtatanong niyang mga mata.

Kinuha ko iyon saka sinagot nang makita kung sino ang tumatawag.

"Ate Brana."

Tiningnan ko sa gilid ng aking mga mata si Choluss. May hinahalungkat siya sa mesa ko at parang walang paki kung kausap ko ang kapatid niya.

"I heard you're a BSA student?" panimula ni Ate Brana.

"Opo, bakit po?" kunot ang noo na tanong ko. Bibihira lang kasi tumatawag si Ate.

"May mga libro ako dito for accounting, baka kasi kailangan mo. Naglilinis kasi ako ng kwarto and balak ko na sana itapon ang mga school things ko." Nagliwanag naman ang paningin ko nang marinig iyon.

"Talaga po?!" Halos mapatalon ako sa tuwa. I heard Choluss chuckled but I didn't mind him.

"Yes, just pick up the books here in the mansion tomorrow." Kapagkuwan ay binaba na niya ang tawag.

Nakangiti akong napatitig sa cellphone ko. Phew! Sa wakas, bawas burden na rin iyon sa mga gawain ko sa school. Kailangan pa kasing pumila minsan sa library. Time-consuming 'yon.

"You look happy, is there good news?" Napunta ang atensyon ko kay Choluss habang nakangiti pa rin. Full smile, labas ngipin na parang nasa pageant lang. I could feel my eyes twinkled.

Nakita ko kung paano umalon ang adam's apple niya.

"Masyadong mababaw ang kasiyahan ko," usal ko saka umupo sa monoblock. Hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ni Ate Brana.

Tumunog naman ang cellphone niya pero hindi niya iyon sinagot. Nakapamulsa siyang tumayo. "I need to go."

Tumango lang ako. Kinuha niya iyong dalawang medium-size paper bag na nakapatong sa mesa ko saka inabot sakin.

"Ano 'yan?" Hindi niya ako sinagot. Pinatong niya iyon sa kama saka lumabas sa kwarto ko.

Hinablot ko iyon saka binuksan at nagulat sa nakita. Laglag ang panga ko nang mabuksan ang isang paper bag na puno ng perfume na siyang ginagamit ko. Ang isa naman ay mga make up.

Patakbo akong bumaba at umaasa na sana naroon pa siya sa baba.

"Si Kuya?" tanong ko kay Hasa na abala sa pagsukat ng mga damit.

"Umalis na," sagot niya na hindi nakatingin sakin. Tumakbo ako sa labas pero wala na ang sasakyan niya.

Maaga akong nagising kinabukasan. May pasok ako ng alas otso ng umaga sa AFAR pagkatapos ay pumuslit ako saglit para kuhanin ang mga libro na sinasabi ni Ate Brana.

Sweet But Psycho Where stories live. Discover now