CHAPTER 5

7.5K 206 23
                                    

CHAPTER 5

"Hindi ito ang daan papuntang McDo," sabi ko nang lumiko siya. Na-relax ako nang naisip na baka sa diversion road siya dadaan.

"Stop working for today." Napalingon ako sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko at kalaunan ay ngumiti nang mapait.

"Maganda sana 'yang naisip mo. Kung mayaman lang ako. Pero kasi, magkaiba tayo ng buhay na tinatamasa. Ako, kailangang magtrabaho para mabuhay. Ikaw naman—" awtomatikong napahinto ako sa pagsasalita nang biglaan siyang pumreno.

Ginilid niya ang sasakyan sa isang tabi saka pinatong ang siko sa manibela.

"Maglalakad nalang ako."

"Stop."

I didn't listen, I unlocked the seatbelt, but then, I heard the locked sound of the car's door.

"Sayang ang oras, paki-unlock."

"Stop," maawtoridad na aniya. This is not him. His raven eyes were fiery raging, as well as his jaw was intact. I can even see the veins on his head.

"Lahat ng mayroon ako, pinaghirapan ko iyon." Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi sa akin ito pero wala akong panahon sa mga litanya niya. I needed to work. "I've worked hard for these so that I can be fit for the woman I loved." Kinuha niya ang foldable wallet niya sa compartment. May hinigit siya roon pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang litrato na nasa wallet niya.

May inabot siya sakin na isang card. "Use this." Hindi ko iyon inabot. Tiningnan ko lang iyon saka tumingin sa mga mata niya.

Sigurado ako na ang Choluss na nakita ko sa family portrait ay kulay tsokolate ang mga mata. Pero bakit ngayon ay itim? Posible bang nagbabago ang kulay ng mga mata pagkaraan ng maraming taon? O baka iba ang Choluss na ito sa Choluss na nasa portrait.

Palihim kong pinilig ang ulo ko. Baka nag-contact lense lang siya. Pero kahit sarili ko ay hindi ko magawang kumbinsihin sa mga hinalang nabuo ng sarili kong utak.

"I don't need your pity."

"Don't make me force you to take this." Walang emosyon ang mga mata ko na tinitigan siya.

"I cannot be forced. So, please, unlock the door now." Naroon ang will na gustong umalis sa kotse niya at magtrabaho.

"No," pagmamatigas na aniya saka minanubra ang kotse paalis.

This is how dominant a powerful person, yes. They will do what it pleases them. I am independent, I can't be controlled by anyone just like that. It's my right to say no and to decline. But what else I could do? He's domineering.

Wala akong nagawa kundi ang humingang malalim saka tumingin sa labas. Gusto kong umiyak at magalit. No. I'm so mad that I wanna cry, but I won't. I won't cry.

Is this even a cousin relationship? He was acting like a mad boyfriend, and me— it's so gross to say but I am acting like a girlfriend building up her pride. It made my skin's hair rose at that thought.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, ayoko rin siyang tanungin kaya pinikit ko nalang ang mga mata ko at natulog.

Madilim na nang gumising ako. May leather jacket na nakapulupot sa katawan ko at wala na rin siya sa driver's seat habang bukas naman ang pinto roon.

May naririnig akong hampas ng alon kaya lumabas ako. Nakabukas ang dalawang parking lights ng kotse ni Choluss at sa dalampasigan ay nakita ko siyang nakatayo hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Tinanggal ko ang suot kong sapatos saka nagyapak palapit sa kaniya.

Malayo ang tingin niya habang may hawak siyang Cali drinks nang makalapit ako. Sinasampal ang mukha ko sa hanging maalat, ang alon ay hinahalikan ang aking mga paa habang nakalibing iyon nang bahagya sa maputing buhangin. Nililipad din ang nakalugay kong buhok kaya napahawak ako sa aking sarili dahil sa lamig ng hanging maalat kahit pa may jacket akong suot.

Sweet But Psycho Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang