CHAPTER 2

8.4K 252 5
                                    

Hindi agad ako nakapagsalita sa tanong na iyon. It was less expected of me to be asked like that by him. My cousin.

Kung tutuusin ay madali lang naman mag reason out sa tanong na iyon, kung hindi lang talaga siya ang nagtanong. It was too personal for me and at the same time too awkward knowing that he's my cousin.

Halata din kay Mama ang pagkabigla sa tanong na iyon ni Choluss.

But then, I still able to fixed myself up and cleared my throat. I need this. I needed money.

"Well, in this country where religious belief is important, I would say that it is not favorable to have an incestuous relationship with your relatives." Hindi ko pa tapos ang sagot ko ay kinuha na niya ang mikropono.

"Can you break down the topic? Set aside what people think, I wanna hear your own opinion about the matter," seryoso niyang sabi.

Lumunok naman ako ng laway bago kinurot ng palihim ang hita ko kung saan naroon ang isa ko pang kamay.

"In this millennial century, it does not matter to them whether what they love was their relatives or not." Narinig ko naman ang mga pag-agree ng mga matatanda na nanonood. "But for me, and as one of those millennials over there." Narinig ko ang mga hiyawan ng mga kabataan nang banggitin ko ang salitang millennials. "I disagree and not in favor of incest. And to add it more, being a religious person, it would be shameful of me having an affair with my relative, thank you," sagot ko saka tumalikod bago pa siya mag follow-up question.

Sa bawat salita na lumabas sa bibig ko, hindi ko siya tinapunan ng tingin. Ayokong makita ang reaksyon niya.

Hindi ko alam pero naiilang ako sa tanong niya na iyon. Ayokong isipin na personal iyon, pero hindi ko rin maiwasang isipin na parang ganoon na nga.

"Ma." Inabot ko kay mama ang sobre na napanalunan ko kanina sa pageant.

"Ano 'yan?" tanong niya habang hinahanda ang makakain namin.

"Budget po natin ngayong linggo."

"Ay, naku anak, huwag na. Itago mo nalang 'yan para sa pag-aaral mo. May kita naman ako sa paglilinis, eh," tanggi ni mama pero pinilit ko pa rin siya na tanggapin iyon.

Alam ko naman kasi na nahihirapan na siya sa paglilinis, hindi lang talaga siya nagrereklamo pero mahahalata mo sa katawan niya ang pagod.

Minsan nga ay naisip kong patigilin na siya sa pagtatrabaho. Pero ano ba ang kaya kong gawin? Rumaraket lang din naman ako. Hindi sapat ang kita ko para buhayin kaming tatlo. Sa pag-aaral palang ni Hasa, hindi na sapat ang raket ni Mama.

"Ma, limang libo lang naman po 'yan, ang kalahati po sa limang libo ay bayad ko sa kina Yayi, at ang sobra naman ay sakin. I'm sure sapat na 'yon para sa gastusin sa pag-aaral ko ngayong sem." Hindi niya pa rin iyon tinanggap kaya no choice ako, nilagay ko sa box niya kung saan naroon ang mga gamit niya sa paglilinis.

"Anak, dalaga ka. Kahit pa sabihing mayroon kang sapat na pera para sa pag-aaral, dapat din marunong kang mag-ayos para sa sarili mo." Umupo siya sa upuan na gawa sa kahoy saka hinarap ako. "Tingnan mo, ang ganda-ganda mo, wala ka dapat sa lugar na ito, kung hindi lang kasi disgrasyado ang Papa mo."

"Ma, hindi ko naman kailangang mag-ayos para sa sarili ko. Ang iniisip ko lang naman po ay kung kailan tayo makakaahon sa hirap." Lumapit ako sa kaniya saka siya niyakap.

Sa totoo lang, ayoko ng drama sa buhay. Pero si mudang kasi, madrama.

Niyakap naman niya ako pabalik. "Sana ay makahanap ka ng lalaki na karapat-dapat sa'yo, anak. Kung mangyayari 'yon, wala na akong mahihiling pa sa panginoon."

Sweet But Psycho Where stories live. Discover now