CHAPTER 7

6.5K 207 26
                                    

CHAPTER 7

Marry him? Be his queen? Mrs. Suldico? How can I marry someone I don't know who? How can I marry an unknown person?

Katahimikan ang namayani sa kabilang linya. Kahit wala siya. Kahit wala ang presensya niya. Ramdam ko ang tensyon. Ano bang mayroon sa lalaking ito na nagawang pangatugin ang aking mga tuhod?

"Pag...pag-iisipan ko."

Pagkatapos niyon ay binaba ko ang tawag. How can I let myself entangle for the rest of my life with someone I don't know? I can't just take a risk. Marriage is sacred. I should marry someone I love.

Pero iisipin ko pa ba ang sarili ko? Paano na si mama? Ano ba ang kaya kong harapin na posibleng mangyari? Ang makita si mama na kinukuha ng Diyos o ang makita ang sarili kong nakatali sa iba?

Bakit kailangan kong maipit sa ganitong sitwasyon? Na kailangang mamili. Sarili ko ba o pamilya ko?

Tumunog naman ang cellphone ko. Agad nanaog ang kaba sa aking puso nang nakitang si Hasa ang tumatawag. Parang ayoko siyang sagutin. Natatakot na ako sa posible niyang sabihin. Pero sa huli, sinagot ko pa rin iyon.

"Ate...si mama."

Mabilis kong dinampot ang mga damit ko at basta-basta nalang iyon nilagay sa bag.

"Papunta na ako." Wala na akong pakialam kung ano man iyong nailagay ko sa bag, basta noong oras na napuno iyon ay umalis na ako sa bahay.

Halos lumipad ako nang makarating ang tricycle sa ospital. Hindi ko na nakuha ang sukli at dumiretso na sa ICU.

Saktong lumabas ang doktor suot ang scrub suit. Umiling-iling siya pagkakita sakin. At sa mga oras na iyon, alam ko na ang mga salitang lalabas sa kaniyang bibig ay masamang balita.

"The patient needs to undergo surgical treatment before the disease will spread all over her vital organs..."

Habang patuloy na nagpi-play sa utak ko ang sinabi ng doktor ay isang tao lang ang naisip kong takbuhan. Siya lang ang makakatulong sakin.

"After the surgery, the patient will have to undergo chemotherapy or radiation."

Nanginginig ang aking mga kamay na pinindot ang call button ng cellphone. Ayokong nakikita si mama na unti-unting binabawian ng buhay. Mas makakayanan ko pang makita ang sarili na kasal sa lalaking hindi ko mahal at matali sa kaniya habambuhay, kaysa ang makita si mama na habambuhay na mawawala sa amin. Hindi ko kakayanin. Hindi ako handa.

"Have you decided?" Mas dumoble ang kaba na naramdaman ko nang narinig ang seryoso at tila binalot sa nyebe niyang boses. His spine-chilling voice evoked every nerve of me.

Lumunok ako ng laway. "Pumapayag na ako..." pikit ang mga mata kong tugon. "Magpapakasal ako sa'yo..."

"Give me one hour. The doctors that you'll need will be there. Tell me if they didn't come in time after one hour, then I'll be the one to withdraw the wedding." Pagkatapos ay binaba niya ang tawag. May kasiguraduhan ang bawat salitang binitiwan niya.

Katulad nga ng sinabi niya, isang oras ang hinintay ko. Hindi ko alam pero nagtiwala ako, kahit imposibleng may doktor na makakapunta ng isang oras. Traffic nga lang aabot ng dalawang oras. I'm hopeless that's why I hold onto his words. I trusted his words.

Nawalan ako ng pag-asa nang makitang isang minuto nalang ay mag-iisang oras na. Napatungo ako at tinitigan lang ang tiles na parang kukuhanin noon lahat ng problema ko.

"We're on time!"

Napatayo ako nang makita ang mga foreigner na nagkukumahog sa paglalakad. May mga nurses dito na abala sa pagsusuot ng kani-kanilang lab gown habang naglalakad sa lobby. Marami sila at tila hari ng mga lobby.

Sweet But Psycho Where stories live. Discover now