CHAPTER 6

6.7K 240 10
                                    

CHAPTER 6

Bumagsak ang mga balikat ko sa narinig. Hindi na ako nakapag-out sa trabaho. Mabuti nalang at may kotse si Lee, kinapalan ko na ang aking mukha na magpahatid.

Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko hanggang sa makarating ng ospital kung saan naroon si mama.

"Ate!"

Nakita ko si Hasa na naghihintay sa labas ng emergency room. Sinalubong niya ako ng yakap at doon tumangis ng iyak.

"Anong nangyari?" si Anya ang tinanong ko dahil hindi ko makausap si Hasa na nakayakap sakin habang umiiyak.

"K-kasi po, nakita po namin si Nanay Ysa na nakabulagta sa sahig habang duguan ang bibig, sumuka po yata ng dugo." Napahawak ako sa bibig ko at walang ingay na lumuha. Pinipigilan ang aking sarili na umiyak. Ayokong nakikitaan ako ng kapatid ko ng kahinaan. Ako nalang ang masasandalan niya. I'm her strength, her last resort.

Napatayo naman ako nang makita ang doctor na lumabas sa emergency room.

"Doc, kamusta po ang mama ko?" Hindi ko maitago ang kaba sa boses ko sa pagtatanong.

"Ikaw po ba ang relative ng pasyente?" Mabilis akong tumango.

"Anak niya po." Natatakot ako sa kung paano ako tingnan ng doktor. Parang naaawa siya. Dumistansya naman siya samin kaya sinundan ko siya. Ayaw niya yata na marinig ng kapatid ko ang sasabihin niya.

Nasa isang pasilyo kami bago ako hinarap ng doktor. "Marami na kaming pasyente na katulad ng nanay mo, hija. At sa kaso niya, iisa lang ang posibleng maging sakit ng nanay mo."

"Doc, ano po ba ang sakit ng mama ko?"

"Posibleng may lung cancer ang pasyente." Napapikit ako habang kagat ang ibabang labi. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Wala na akong naiintindihan sa sinabi ng doktor. Isa lang ang pumasok sa aking isipan, lung cancer.

Napako ako sa kinatatayuan ko. Tinapik ng doktor ang aking balikat bago ito umalis. Sumandal ako sa pader at napadausdos habang nakahilamos ang aking mga palad sa mukha saka doon umiyak. Akala ko sa mga drama ko lang ito makikita, nakakatawa na ako rin ay posible ring dapuan ng ganitong klase ng kamalasan.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nasa ganoong sitwasyon. Nakita ko si Lee sa harap ko. Hindi pa pala siya umaalis.

"Nalipat na sa kwarto si tita." Tumango-tango ako bago tumayo at nagpunas ng luha.

"Salamat."

Huminga muna ako nang malalim bago pinihit ang doorknob papasok sa ward ni mama. Napapikit ako nang makita ang mga apparatus sa katawan niya. Si Hasa na nagtatanong ang mga mata ay hindi ko magawang tingnan.

Agad na namuo ang luha sa mga mata ko pero nagawa ko iyong pigilan na tumulo. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera pambayad sa ospital na ito. Kahit siguro ibenta ko ang mga organs ko ay hindi iyon sapat para maipagamot si mama. Kung si Tita Trex nga na may maayos nabuhay, muntikan na hindi maipagamot si Choluss.

Napahinto ako. Tama. Si Tita Trex nalang ang pag-asa ko ngayon. Lumabas ako ng kwarto saka pumara ng taxi papunta sa subdivision nina Tita.

Saktong pagdating ko roon ay siya ring dating ng kotse ni tita.

"Hija, naparito ka?" tanong niya pagkalabas.

"Tita, kailangan ko po ang tulong niyo," lumuluha na sabi ko. "Si Mama, nasa ospital..."

"Mang Martin, aalis tayo." Muling pumasok si Tita sa van kasama ako. Paminsan-minsan ay nililingon niya ako. Halatang may gustong sabihin pero hindi niya masabi-sabi.

Sweet But Psycho Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon