CHAPTER 3

7.9K 251 41
                                    

Pinanatili kong nakapikit ang aking mga mata. Hindi ko alam kung gusto kong malaman o hindi. Nagpanggap nalang akong tulog dahil ayokong pag-usapan.

Dahil sa pagpapanggap na iyon ay tuluyan nga akong nakatulog. Mabilis akong bumangon nang magising ako sa sarili kong kama. Nang tingnan ang orasan ko ay alas singko palang ng umaga.

Dali-dali akong nagsuot ng bra saka pinusod ang buhok ko. Naabutan ko si Choluss sa sala na nakahiga sa mahabang upuan na gawa sa kahoy. Nasapo ko nalang ang noo ko.

Nilapitan ko siya saka tinapik sa braso. "Psst. Bakit dito ka natulog?" tanong ko pagkamulat ng kaniyang puyat na mga mata.

"Bumangon ka d'yan, mapapagalitan ako ni mama sa ginagawa mo, doon ka matulog sa kwarto ko." Pinilit ko siyang bumangon.

Oo nga't bumangon siya, pero hindi na bumalik sa pagtulog. Hindi ko na siya pinilit, pumasok na ako sa kusina upang magtimpla ng kape.

"May gagawin ka ba ngayon?" Nagulat ako nang marinig siya mula sa likuran. Bakit ba hindi ko siya naramdaman na sumunod pala sakin?

Humarap ako saka nilapag ang kape sa mesa. "May bibilhin lang ako saglit sa mall," tugon ko.

Kailangan ko ng cash notebook kasi 'yong nabili ko, dalawang araw palang, ubos na. Nakakainis kasi konting mali lang sa entry, uulit na naman from the start. Hindi lang ledger ang nauubos sakin, pati ink ng ballpen ko.

"Great, sabay kana sakin. Isama mo na rin si Hasa." Kumunot naman ang noo ko at tinulak sa kaniya ang isang tasa ng kape.

Kung sasabay ako sa kaniya, okay lang. Pero kung isasama ko si Hasa bumili ng journal, baka hindi ako makakabili. Kung anu-ano ang tinuturo ng babaing 'yon, parang retarded.

"Bakit? May bibilhin ka?" usyoso ko at umupo habang kinukutaw ang sariling kape.

Sumimsim muna siya ng kape niya bago sumagot. "Sort of."

Nagkibit naman ako ng balikat saka ininom ang kape ko. Ilang minuto pa ay nagising na si Mama.

"Ang aga niyo naman nagising?" tanong ni mama at nagtimpla ng sarili niyang kape.

"May lakad po kasi ako, Ma," sagot ko saka tumayo.

"Sasabay ka ba kay Choluss, anak?" Kung paano niya nalaman na kasama si Kuya Choluss at hindi ko alam.  Tumango nalang ako saka umakyat sa taas para maghanda.

"Ate!" dinig kong tawag ni Hasa sakin mula sa baba na parang nababagot na kakahintay sakin. "Ate! Ba't ba ang tagal mo?! Aalis na tayo!"

"Oo, nandyan na!" sagot ko saka nagmadaling bumaba habang nagsusuklay. Umikot ang mga mata ko nang makita ang pokpok kong kapatid.

Bwisit! Dinaig pa ako. May pa-lipstick at tube pang nalalaman. Samantalang ako, hanggang hanging blouse at high-waisted shorts lang. Ni wala ngang pulbo ang mukha ko, itong kapatid ko parang nagfa-foundation pa. At saan kaya ito kumuha ng pera pambili ng mga ganitong gamit?

"Ganyan ka lang, ate? Lipstick o gloss lip, wala? May eyeshadow ako dito, gusto mo?" Hinalungkat niya ang sling bag niya pero nilagpasan ko siya.

"Huwag mo akong idamay sa kaartehan mo, Hasa." Dumiretso ako sa labas ng bahay saka hinintay sila sa kalsada kung saan naroon nakapark ang sasakyan ni Choluss.

Hindi lang naman minuto ang hinintay ko, sumunod din agad sila.

Pinindot niya ang key fob mula sa loob ng bulsa ng kaniyang pantalon habang papalapit sa kinaroroonan ko. Ang manly niya lang tingnan sa puting white polo na nakatupi ang sleeve hanggang siko habang naka-unbutton naman ang tatlong butones sa kaniyang dibdib dahilan para makita ang balbon niya habang tuck-in naman ang laylayan sa kulay tsokolate niyang jeans na may Armani belt.

Sweet But Psycho Where stories live. Discover now