Page 01

131 10 0
                                    

"Lola, ngayon po ang orientation namin. Any advice?" nakangiting biro ko kay Lola habang busy sya sa paghahanda ng almusal namin.

At eto naman ako fixing myself infornt of a mirror. Well, this uniform fits me well. Hindi naman ako masyadong excited sa school na papasukan ko. Actually, sawang sawa na nga ako sa eskwelahan na yon ever since gr.7 doon na ako nag-aaral nakakasawa din ang kapaligiran ng school na yon eh.


By the way, I don't like introducing myself with someone else but I really need to do this. I'm John Lexter E. Ramos my Lola called me 'lexter' but my friends called me 'lex' para sakin mas prefer ko yung Lex kase mas maikli.

"Nako Lexter, you should be ready for that. Hindi madaling maging highschool anak. Lalo na't Gr.10 kana. Siguro lahat ng first time dito mo mararanasan. " pag kukwento ni Lola. Nilingon ko sya at sandaling ko muna inayos ang kwelyo ko tsaka ako tumungo papuntang lamesa.

"What do you mean Lola? Lahat ng hindi ko pa mararanasan, ay mangyayari sa highschool life ko?" sagot ko atsaka ako umupo na para makapag alumusal narin.

"Oo naman apo, hindi ba naikwento sa'yo ng Mommy mo yan?" tanong nya sakin na agad namang nakapag pahinto sa akin.

"Nope, paano nya naman po maike-kwento eh lagi naman syang wala dito." sandaling nag-iba ang pakiramdam ko dahil ayoko ng pag-usapan ang tungkol kay Mom.

Wala si Mom dito, kaming dalawa lang ni Lola ang magkasamang tumitira sa bahay na'to. Umalis si Mom dito simula nung iwan kami ng Dad ko, umalis si Mom para maghanap ng trabaho sa ibang bansa. Bata palang ako ng iwan kami ng magaling kong ama. Huling uwi yata ni Mom dito nung kasal pa ni Ate Mira, pagkatapos na pagkatapos non bumalik na sya ng America.

Kaya bata palang namulat na ako sa katotohanan na kailangan mong matutong mabuhay mag-isa dahil hindi lahat ng tao nags-stay.yung iba aalis na nga lang hindi pa nagpapaalam. Yung iba naman aalis para sa ikakasaya at ikabubuti ng lahat.

Simula nung mangyari ang mga bagay na yon, nasanay na akong may taong bigla nalang magpapakita at bigla nalang aalis sa buhay ko. Hindi na ako muling humingi ng pabor kay Mom si Lola ang lagi nyang nakakausap kapag may mga pangangailangan akong hindi matugunan ni Lola.

Ayoko kaseng manghingi ng kahit ano kay Mom although minsan hirap si Lola sa pag pupuna ng mga kailangan ko ako na ang kumikilos at hindi kona inaasa ang kahit ano sa kanila. Kaya ko naman kahit papano dahil may nakuha naman akong part time job sa isang restaurant tuwing sabado at linggo buti na nga lang at kakilala ko ang may-ari ng restaurant na yon.

Si Ate Mira wala rin, dahil busy sa pag-aalaga ng mga anak nya may sariling na syang pamilyang inuuwian, madalang nalang syang umuwi dito. Pero halos masanay na ako na wala sya dito, sya ang naging kaagapay ko nung mawala si Dad at umalis si Mom, hindi sya umalis sa tabi ko. The saddest thing is, kahit na ang isang taong akala mo hindi ka iiwan, ay iiwanan ka din pala. I have to accept the truth na everyone leaves when they found the better one, no one stayed.

The Truth UntoldWhere stories live. Discover now