Page 08

62 1 1
                                    


"Siraulo talaga yon si Benjie no? Wala talagang magawa yon." sambit ni Alvin na bigla nalang lumapit sakin.

"Ano? Okay ka pa ba dito bro? Palit na ulit tayo mamaya?" singit naman ni Bryan. Kaunti nalang ang taong natira sa room dahil nagsi babaan na sila para makapag-recess. Hinihintay lang ako nila Laurance bago kami bumaba, inaayos ko pa kase yung mga gamit ko.

"Baliw ka ba? Hindi na ako babalik sa upuan ko, dito na ako. Atsaka para magka-oras naman kayo ni Bea." sagot ko kay Bryan at ngumisi naman sya ng nakakaloko.

"Kaya mahal talaga kita eh!"paakbay palang sya sakin nilayo kona ang katawan ko sa kanya. May sekreto pa ba tong lalaking to bukod sa umiihi sya sa kama nung 7yrs old palang sya?

"Oy layo-layo muna ah, baka mamaya sakin kana umamin ng nararamdaman mo." biro ko kay Bryan.

"Lex ano kala mo sakin bakla?" ani nya. Bahagya akong natawa at hindi nalang sya sinagot. Nang matapos konang ayusin ang mga gamit ko lumabas na kaming apat para bumaba na at dumiretso sa canteen.

Masyadong maraming tao, at lalo kong nararamdaman ang init aa school na'to. Naglalakad palang kami sa hallway may grupo na ng babae ang nakaabang sa baba ng building. Hays. Pilit namin silang iniiwasan pero lapit parin sila ng lapit."Lexter!"

"Oy bro, tawag ka ni Sofia." kahit na may narinig akong tumawag sakin hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang kami sa paglalakad.

"A-ah, Lexter may dala akong chocolates para sayo." hindi ko namalayan na sumunod na pala si Sofia at pilit pang humahabol samin.

"Kainin mo nalang yan, baka itapon ko lang yan." sagot ko sa kanya. At pinagpatuloy na namin ang paglalakad pero hindi na sya muling sumunod.

"Ansakit mo talaga magsalita!"sigaw nito mula sa malayo kung san namin sya iniwan. Tuloy lang kami sa paglalakad kahit anong mangyari.

Ewan ko ba kung bakit hindi nagsasawa si Sofia kakahabol sakin, halata namang wala na syang mapapala sa katulad ko. Walang ngang pag-asa pilit parin syang umaasa sakin.

"Bro, bat naman di mo tinanggap yung alok ni Sofia?" tanong ni Laurence. Habang patuloy parin kami sa paglalakad papuntang canteen.

"Hindi ko namang sinabing mag sayang sya ng pera nya sa akin, kasalanan nya na yon." sagot ko sa kanya at inunahan na sila sa paglalakad dahil tanaw kona yung canteen.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Truth UntoldWhere stories live. Discover now