Page 05

39 4 0
                                    


Maaga akong bumangon sa higaan para ako naman ang magluto ng almusal namin ni Lola. Naligo nadin ako at nagbihis para pag katapos kong kumain ng almusal papasok naman ako ng school.

"Oh hijo, bakit ang aga mong nagising?" nilingon ko si Lola na pababa ng hagdan. Agad kong inilapag ang inihanda kong pagkain sa lamesa at lumapit kay Lola para alalayan syang bumaba.

"Ah La, naisip ko po kase na ako naman ang maghanda ng almusal. Kain na po tayo."sagot ko. Inalalayan ko syang hanggang sa maupo sya.

"Napakasipag talaga ng apo ko, at ang bait bait pa." papuri sakin ni Lola at pinisil pa ang pisngi ko.

Umupo na ako sa tapat nya para magsimula na kaming kumain."Kamusta na nga pala yung kaibigan mong Bryan pati yung girlfriend mong si Bea?"

Bigla akong nasamid sa kinakain ko at muntik ng mabulunan sa sinabi ni Lola. Hays. Bat nasama pa sa usapan si Bea?

"Lola, hindi ko po girlfriend si Bea. Si Bryan po ang may gusto don." ani ko. Bigla ko tuloy naalala ang usapan namin ni Bryan.

"Ahh ganon ba, kailan ka ba kase magka-kagirlfriend? Para naman hindi ka nag-iisa dito at may kasama ka." paliwanag ni Lola.

Napabuntong hininga ako."Lola, pag-aaral po muna ang uunahin ko, atsaka wala pa naman po akong babaeng natitipuhan ngayon, mas okay na sakin na po na kasama ka dito sa bahay." nakangiting sagot ko.

She hold my hand, at hinaplos iyon ng marahan."Lexter, alam mo naman diba? Malapit ng umalis ang Lola, pag tungtong mo ng gr.11 aalis na ako dito, sino ang makakasama mo dito?"

Tila tumigil ako sa pagkain at natulala, bumagal ang galaw ko dahil sa sinabi ni Lola. Bigla kong naalala, aalis narin pala sya---pero matagal pa naman yon, sanay naman na akong iwanan.

"La, wag na muna po natin pag-usapan yon kumain na po muna kayo." sagot ko at ngumiti pero mabilis din nawala sa mukha ko ang mga ngiti na yon.

The Truth UntoldWhere stories live. Discover now