Page 06

31 2 0
                                    


"You're late Mr.Ramos! Bakit ka late?!"panenermon sakin ni Ma'am Geline.

Andito ako ngayon sa tapat ng pinto habang pinapagalitan ni Ma'am Geline, halos lahat yata ng classmates ko nasa sakin ang atensyon. Kung bakit ba naman kase ang aga ko nagising tapos hindi manlang ako tumitingin sa oras.

"Sorry ma'am. Nagkaproblema lang po sa bahay." matipid na sagot ko.

"Pasalamat ka dahil wala ka pang 10minutes na na-late. Sa oras na more than 30mins ka nang late mananatili ka nalang dyan sa corridor hanggang sa magtino ka, naiintindihan mo ba yon?! Pasok na." galit na galit na sabi ni Ma'am.

"Opo." matipid na sagot ko tapos naglakad na papunta sa upuan ko. Second day palang Lex. Paano pa kaya sa susunod na araw? Good luck nalang next time Lexter.

"So, let's continue our discussion..." paninimula ni Ma'am. Ibinaba ko na ang bag ko at kinuha agad yung V.E notebook ko."Paano nga ba natin magagampanan ng mabuti ang pagiging isang mabuting mamamayan?"

"Late ka nanaman tol, aba mukhang hindi lang naman ikaw ang mapapagalitan ngayon."bulong sakin ni Alvin na nakaupo sa likuran ko. Nilibot ko ang paningin ko para tignan kung sinong wala, andito naman si Bryan, pati si Bea at Laurance? Anong sinasabi neto ni Alvin?

Hindi ko nalang sya pinansin at nakinig nalang sa lecture ni Ma'am." Ang pagiging isang mabuting mamamayan ay hindi lang tungkol sa paglilinis ng kapaligiran, pag sunod sa batas o maging ang paglilingkod sa bayan. Kundi ang pagalang natin sa ating kapwa, o sa madaling salita ang pagtrato natin ng maayos sa ating kapwa. "paliwanag ni Ma'am. Halos ten year kona ata tong pinag-aaralan, eto na nga lang ata ang lessons na tumatak sa utak ko for almost ten years.

"Okay, ito ang tanong ko. Paano ng-----"

"Ma'am sorry po na late ako!"

Natuon ang atensyon ng lahat sa babaeng bigla nalang sumulpot sa pintuan. Hindi lang nya nakuha ang atensyon ko, nagulat din ako sa nakita ko. Siguradong paparusahan sya ni Ma'am Geline dahil more than 30mins na syang late.

The Truth UntoldWhere stories live. Discover now