Page 04

40 5 0
                                    

"Class dismiss."

Lahat ay masayang nag tayuan dahil sino ba naman ang hindi magmamadali sa pag-uwi ng bahay? At syempre isa na kami don.

"Uy tara na, punta tayo sa bahay nila Laurance, may bago daw syang video games." aya ni Alvin habang naka-akbatalaga nakadikit nanaman sakin yung dalawa.

"Tara, may bagong labas din na movie ngayon, movie marathon nadin tayo." sang-ayon naman ni Alvin. Hindi na ako nagsasalita at hinahayaan nalang sila sa ginagawa nila.

"Ay Yana!"

Nanlaki ang mata ko sa gulat nung marinig kong tawagin ni Alvin si Yana, nanigas ako hindi kona nagawa pang kumilos, pakiramdam ko napako ako sa kinatatayuan ko. Habang nakatingin lang ang mga mata ko kay Yana.

"Yana, ingat sa pag-uwi." sambit ni Alvin. She just smiled at him at yumuko pagkatapos non mabilis nadin syang lumabas ng room.

Hindi na ako nakagalaw nung tumingin sya lalo na nung ngumiti pa sya.

Lumawag ang dibdib ko at unti-unting nawala ang kabang nararamdaman. Argh! Lagi nalang ganito yung nararamdaman ko ano bang nangyayari? Halos makalimutan konang huminga simula nung lumingon sya samin eh!

"Tch! Ikaw talaga Alvin, bat mo naman tinawag?" saway ni Laurance. Hays! Pahamak talaga tong si Alvin. Umarte nalang akong walang pake at napangisi nalang sa ginawa ni Alvin.

"What? Syempre tranferee sya maybe she wants to have some friends diba? Ayoko naman iparamdam sa kanya na wala syang kaibigan dito, and besides mukha naman syang mabait." paliwanag ni Alvin. Alvin is right.

"Kahit na baka mamaya ma weirduhan sa'yo yon. Atsaka lalaki ka kaya." sambit ni Laurance."Teka nga, baka type mo yon?"dagdag pa nito.

"Ano?! Tch. Mas type ko yung kaibigan nya no!" sagot ni Alvin na parang nagda-daydream pa.

"Ayan lumabas din ang totoo, gusto mong maging kaibigan si Yana dahil gusto mong mapalapit sa kaibigan nya, tama?" pagdududang ani ni Laurance.

"Oy, gusto ko talaga maging kaibigan si Yana pero tama ka, mas gusto ko yung kaibigan nya." sagot naman nito. Hanggang ngayon hindi ko parin naiintindihan ang nangyayari sakin tuwing nakikita ko si Yana pero kailangan kong----argh! Kalimutan mo na nga yon Lex!

The Truth UntoldWhere stories live. Discover now