Page 02

55 9 0
                                    


"Lexter my brother!" masaya akong sinalubong ni Bryan kasama sila Laurance at Alvin. Tulad kahapon, kinadena ko muna yung bike ko tsaka ko sila hinarap.

"Maka brother ka naman akala mo nawawala mo kong kapatid." sagot ko tsaka ako bumaba ng bike at nagsimula na kaming maglakad papuntang school.

"Tsk. Ikaw lang naman ang ganyan eh, hindi mo naman ako tinuturing na brother." nakabusangot na ani nya dahilan para manliit ang mata ko at mandiri sa mukha nya.

"Hahaha. Uy, kayo ah baka may namumuo na sa pagitan nyo?" pang-aasar ni Laurance at sinabayan naman ni Alvin ang pang-aasar nya. Mga gunggong talaga.

"Hoy kayong dalawa, wag kayong nang-aasar ng ganyan baka mamaya kayo pala iton----" hindi na naipagpatuloy ni Bryan ang sasabihin nya kase bigla nalang syang sinalpakan ni Laurance ng panyo sa bibig.

"Tumigil nga kayo andudugyot ng mga pinagsasabi nyo." napailing nalang ako at mabilis na naglakad para unahan na sila papasok ng school.

Himala hindi umalan ngayon, eh kahapon lang anlakas ng ambon. Samantalang ngayon tirik na tirik ang araw. Buti nga at walang masyadong ginawa nung orientation, dapat nga hindi na ako umattend kahapon eh kase kung alam ko naman at kabisado na ang school na'to, gr.7 palang dito na ako nag-aaral eh wala namang bago, except sa uniform ko.

"Oy teka guys wait! Wag muna kayo pumasok" sigaw ni Alvin. Nung makarating na kami sa tapat ng school at kaunting hakbang nalang makakapasok na sana kami bigla nalang syang sumigaw.

"Oh bakit?" tanong ni Bryan.

"Hintayin daw natin si Bea, sasabay daw sya sating pumasok."sagot ni Alvin. Bigla nalang ginanahan si Bryan at mabilis na umupo sa waiting shed para nga abangan si Bea.

"Seriously?! Andito na tayo ilang hakbang nalang?" mabilis na reklamo ko.

"Oy oy! Bro, si Bea yon gr.8 palang crush kona yon, let's wait for her, support me naman. Atsaka bat ba sa inet ng panahon sinasabayan pa ng ulo mo?" sambit ni Bryan. At dahil nga supportado ko sya sa lahat ayon umupo nalang ako para hintayin si Bea.

Wala na akong magagawa, best friend ko 'tong gunggong na'to, syempre susuportahan ko sya sa babaeng gusto nya pero bat kase si Bea pa? Sa lahat ng babae sa school si Bea pa? By the way, si Bea nga pala yung crush ni Bryan since gr.8 until now. Medyo nagulat ako nung malaman ko kase gr.6 classmate ko yan si Bea hindi naman sa pagmamayabang pero that girl ask me kung pwede ko ba syang maging girlfriend, at hindi ako nagdalawang isip na sabihan sya ng, NO.

The Truth UntoldWhere stories live. Discover now