Page 03

50 4 0
                                    




"Lex, sama ka samin? Bababa muna kami wala pa naman si Ma'am eh?" aya sakin ni Bryan.

"Hindi na, nakakapagod mag akyat baba sa building na'to." sagot ko sa kanya.

"Kung ganon kami nalang ni Laurance at Alvin." ani nya. "Ah Bea, bababa lang kami ah." pa alam ni Bryan kay Bea.

Nagpaiwan nalang ako sa room kasama ang dati kong mga kaklase. Yung last year kong mga kaklase halos sila parin ang kasama ko ngayon pero ang iba ay tranferees, siguro mga  tatlo palang ang nakikita kong bago.

Wala pa yung magiging adviser namin at kaunti pa ang estudyante dito sa room siguro yung iba late lang.

"Lex! Kamusta kana?" liningon ko kung saan galing yung boses na tumawag sakin hindi na ako nagulat nung makita ko si Benjie, isa sa naging kaklase ko last year.

Hindi ko sya pinansin pero lumapit parin sya sa akin."Kamusta buhay buhay natin? Ha?!"

Tch. Sa lahat ata ng naging kaklase ko sya ang pinaka ayaw ko. Ayoko sa ugaling pinapakita nya, masyadong mahangin at walang respeto. Mas okay pa nga ang pagiging playboy ni Bryan sa kanya, masyado syang babaero tingin nya sa mga babae laruan. Ang nakakainis pa don kahit babae pinapatulan nya.

I smirked at him."What do you want? I don't have time talking to you, kaya pwede ba dumistansya ka muna?"sagot ko. Ewan ko na kung bakit sya palagi ang nakakaaway ko, siguro naiinis lang ako sa ugali nya.

"Hahaha. Relax Lex! Hindi naman kita guguluhin pero..." hindi ko sya nakikita dahil sa iba ako nakatingin pero ramdam ko na lumapit sya sa kaliwang kanang tenga ko. "Sa oras na malaman kong ginugulo mo o pinapakielaman mo ko sa mga gagawin ko ngayon school year, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." dagdag pa nya.

"Are you threatening me? Tsk. Gawin mo kung anong gusto mo, wala akong pakielam." sagot ko. Ramdam kong umalis na sya at bumalik na sa upuan nya.

Madaming tao ang takot sa kanya sa school na'to, pero ako? Ibahin mo ko, hindi ako natatakot sa ungas na'to. Mas pipiliin ko pa ngang makipag suntukan sa kanya kesa makipag-usap sa kanya. Simula nung pumasok ako sa eskwelahan na'to may galit na sakin yung ungas nayan, at hanggang ngayon hindi ko pa din maintindihan ang dahilan.

Inayos kona ang bag ko at inilabas ang libro para sa first subject namin. Pag minamalas ka nga naman, sakin pa tumabi si Bea. Hays. Ayoko na ngang magkaroon ng koneksyon sa kanya dahil ayokong mag tanong sakin si Bryan ng kung ano-ano.

The Truth UntoldWhere stories live. Discover now