Page 07

42 2 0
                                    








"Good Morning Class! I'm Mr. Albert call me Sir Bert." bungad samin nung English teacher namin third subject, after nya recess na.

"Wait, lalabas lang ako." singit ni Ma'am nagulat naman si Sir Bert nung maabutan nyang nasa loob pa pala si Ma'am. Habang papalabas ito, sumulyap muna ito kay Sir Bert bago lumabas. Yung mga tingin na yon, nakakadiri.

"AYIIEEEEEEE!" pangangatyaw naman ng mga kaklase ko.

"Quite!"

Mabilis tumahimik ang lahat dahil sa pag sigaw ni Ma'am.  Tila ba naging simbahan ang kaninang parang palengke sa ingay. Nakararamdam ako na magtatagal si Ma'am Geline dito, napapaamo nya yung mga classmates ko eh.

"Okay. Before we start, I just want to tell y'all that I'm not a kind of person na nagsasayang ng oras kaya magsa-start na agad tayo ng lesson ngayon." paninimula ni Sir.

"Oy Lex! Ikaw na bahala sa English ako na sa Math." bumulong si Laurance sakin bago pa sya nag head down para matulog. Loko talaga, second day palang tapos pang third subject palang tong English pero mas inuna nyang matulog. Hays. Napakatamad.

Hinampas ko ang ulo nya bago pa sya tuluyan makatulog. Buti na nga lang at hindi ako nakita ni Sir Bert dahil busy ito sa pagsusulat sa blackboard.

"Anong trip mo? Payagan mona akong matulog pwede?" saway nya sakin. Bahala na nga ang ugok na'to.

Hindi ko nalang sya pinansin at hinayaan nalang na sya ang mapansin ni Sir. Antigas ng bungo eh.

"A-ahm Lex?" alam kona kung sino yung tumwag pero hindi ko sya nilingon dahil katabi ko lang naman sya."Pwede bang manghiram ng extra ballpen? Nawalan kase ng tinta ang gamit ko."dagdag pa nya.

"Wala na. Maski ako walang magamit, mamaya mona ako kausapin nakikinig ako." mahinahon na sagot ko sa kanya.

Ewan ko kung bakit kami parin ang pinagtabi ni Ma'am sa dinami dami ng babae dito sa room sa kanya pa ako tinabi, ayoko ng magkaroon ng ugnayan sa kanya dahil baka may pumasok na naman sa utak ng best friend ko na ikasira pa naming dalawa. Mas mabuting hindi nalang ako maging mabait kay Bea para pag dating ng panahon magsawa na sya sakin at hindi na ulit magtatanong si Bryan tungkol sa kanya.

"Psst!"

"Now let's tackle about some vocabulary words from this book." pagpapatuloy ni Sir Bert.

The Truth UntoldDonde viven las historias. Descúbrelo ahora