Chapter 18

10 0 0
                                    

#SMP TRUE?

Kaori's POV
akosiginoongpayat.......Sana magustohan ninyo

Bakit ang tagal ninyo?......tanong ni Angelie nung pumasok na kami sa Canteen.Hindi ko kayang tumingin sa paligid dahil baka magkatinginan kami ni Seth at nahihiya ako sa ginawa ko.

d>>__<<b

Hindi narin sumagot si Karina at nag umpisa na kaming kumain.Masayang nag kwekwentohan sila Karina, Criza at Lie habang seryoso naman akong kumakain dito.Nahihiya na may halong sakit yung nangyari kanina, nahihiya ako dahil sa ginawa ko at nasasaktan ako dahil sa nakita ko.

dT__Tb

Bahagya ko silang sinilip at kitang kita ko sila Seth at Missy dito sa kina uupoan namin.Masaya silang nagkwe- kwentohan at aaminin kung nasasaktan ako, kahit crush ko lang si Seth ay may puso din akong marunong masaktan.Kahit masakit ay pinilit kung iwasan sila ng tingin at agad na nanlaki ang mga mata ko dahil naka tingin na silang tatlo sa akin.

dO__Ob

*LUNOK

A-Ah a-ano nga yun?.......tanong ko at nakatitig lang si Karina at Criza sa akin habang si Angelie naman ay umiling.

Ay! May sinabi ba sila?

Anyare sayo? Bakit ka nakatingin kila Seth at Missy?.....tanong ni Karina at natigilan naman ako.

A-Anong sinasabi mo, h-hindi ako n-naka tingin sa kanila no.....nauutal na sagot ko pero pinilit kung palakasin ang loob ko.Nanunukso naman yung tingin ni Criza at kumunot naman yung noo ko.

Hindi nga ako nakatingin sa kanila sa entrance ako nakatingin......kahit hindi sila tumatawa ay nararamdaman kung pinipigilan nilang tumawa.

I hate you guys!

Tumango naman sila kaya binilisan ko na ang pagkain.Nagkwekwentohan naman sila pero ewan ko kung bakit hindi ko magawang sumali sa kanila.

Ngayon ko lang talaga nalaman na si Missy pala ang jowa ni Seth......dagdag ni Criza.Naka tingin lang ako sa baonan ko at hindi lumingon sa kanila.

Hayop kayo! Bat sa tabi ko pa kayo nag uusap ng mga ganyan.

Ako rin eh kaya nga matagal kaming nakasunod kanina dahil akala naming-----

Karina!......pigil ko sa kanya dahilan para tingnan nila ako.Binigyan ko ng wag mo nang ituloy look at agad naman niyang na gets iyon.

Ano Karina? Ano? naghihintay kami........excited na wika ni Angelie.

dO___Ob

Secret Magic Potion1Where stories live. Discover now