Chapter 21

10 0 0
                                    

Aljon's POV
akosiginoongpayat.....Sana ay magustohan ninyo.

Bakit kanina kapa nakatingin sa Entrance bro?.....agad akong natauhan nung biglang tinanong ako ni Art.

Ha! Ah wala....naisagot ko nalang dahil wala akong maisip.Sa totoo niyan ay kanina pa ako naka tingin sa Entrance dahil hinihintay kung pumasok sila Karina, gusto ko sana siyang maka usap tungkol kagabi hindi kasi ako makatulog sa mga nangyari.

Ilang minuto lang ay agad na bumungad sa entrance sila Karina at Kaori tatayo na sana ako pero bigla akong nakaramdam ng takot.Natatakot ako dahil baka ano ang sabihin ni Karina sa akin.Sinundan ko lang sila ng tingin at nung maka-upo na sila ay agad ko ding iniwas ang aking mga mata at kumain na.

12:54pm

Nasa room na kami ngayon at hinihintay nalang namin ang lecturer na pumasok.Nakaramdam din ako ng kaba dahil baka ano ang magiging score ni Karina at mababagsak ako.

Saan ka pupunta Aljon?....tanong ni Seth at huminto naman ako.

Iihi muna ako.....sagot ko at tumango naman silang dalawa.

Yari talaga ako neto kapag hindi makakasagot si Karina.

Malapit na sana ako sa comfort room kaso bigla akong napahinto nang nakita ko ang daan papuntang comlab.Nagdalawang isip pa ako kung sisilip ba ako doon pero bigla nalang humakbang ang mga paa ko papuntang comlab.

Pagdating ko doon ay hindi pa sila nagsisimula kaya sumilip ako doon at agad ko din namang nakita si Karina.

dO__Ob

Agad akong nagtago sa pader dahil lumingon si Karina sa kinaroroonan ko.

============================
Karina's POV
akosiginoongpayat......Sana ay magustohan ninyo.

Kinakabahan ako sa quiz....wika pa ni Angelie habang abala naman ang iba naming mga kaklase sa pag rereview.

Kaya nyo yan ano pang saysay ng pinag-aralan ninyo kahapon....wika naman ni Kaori at tumingin sa akin at binigyan ko naman siya ng ano na naman tingin.

Sana nga Kaori kung alam mo lang ang nangyari sa akin kahapon.

Agad akong napatingin sa bintana at nagulat ako nung nakita ko si Aljon na sumisilip doon.Anong ginagawa niya dito?

Oy saan ka na naman? Baka dadating na si sir....pigil ni Kaori sa akin.

Sa pintuan lang ako....sagot ko at hindi ko na hinintay ang sagot niya.

dO___Ob

Pero wala na akong nakitang Aljon.

Nasaan siya?

Lumingon pa ako sa likod baka nandoon siya pero wala siya.Humakbang pa ako sa hallway baka nandoon siya.

Secret Magic Potion1Where stories live. Discover now