Chapter 25 Gusto kita!

15 0 0
                                    

Kaori's POV
akosiginoongpayat.....Sana magustohan ninyo

3:43 pm

Halos tatlong oras na akong naka upo dito sa tabi ni Karina dahil ang tagal niyang gumising, pagod na pagod ata ang kanyang katawan.

Bumisita naman sila Criza at Angelie kaninang alas dos pero agad din silang bumalik para sa susunod na klase, hindi na rin ako nakasunod pa sa kanila dahil ang sabi ng nurse ay babantayan ko nalang daw si Karina.

Napatingin nalang ako sa kanya dahil bahagya siyang gumalaw at nalaman kung gising na siya,nakangiti naman akong tumingin sa kanya habang umiwas naman siya ng tingin sa akin.

A-Anong ginawa ko dito?....tanong niya habang pinagmamasdan ang paligid.

Nandito ka sa Clinic hinimatay ka kasi....sagot ko sa kanya at akmang tatayo sana siya kaso agad ko naman siyang pinigilan...wag ka munang tumayo ang sabi ng nurse humiga ka daw muna para bumalik ang lakas mo....wala naman siyang magawa kundi humiga nalang.

Gising na pala siya?...agad kaming napalingon sa nurse na nag aasikaso kay Karina kanina.....Ito inumin mo ito para mawala na ang pagod at pagkahilo mo....dagdag niya pa at kinuha naman ito ni Karina at ininum.

Maaari na rin kayong makalabas kung kaya mo na ang iyong sarili, pomerma ka nalang dito para makalabas na kayo...dagdag pa ng nurse at agad din namang pomerma ni Karina pagkatapos ay iniwan na kami nang nurse dito sa kama.

Pinagmamasdan ko siya at nakita ko na may pula pula parin si sa pisngi....Ano ba talagang nangyari sayo?....tanong ko at takang tumingin naman siya sa akin.

Ano na naman ba yan? Diba ang sabi ko sayo kumain ako ng hipon at~

Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo...singit ko at gulat naman siyang tumingin sa akin.

A-Anong ibig mong sabihin?...tanong niya pa at napabuntong hininga naman ako.

Hindi ako naniniwala sayo kaya magsabi ka ng totoo ano ba talagang nangyari sayo?...pag uulit ko pa sa kanya at tumahimik naman siya sandali.

Ano pa bang sasabihin ko eh nagsasabi naman ako ng totoo?

Karina kaibigan mo ako hindi mo naman kailangang maglihim dahil nandito naman ako at makikinig ako sayo.....wika sa kanya at iniwas naman niya ang paningin sa akin....alam kung may ibang dahilan kaya ka nagkakaganyan sabihin mo na....dagdag ko pa at umupo naman siya, nakikita kung may namumuong luha sa mga mata niya at alam niyang napapansin ko na iyon.

Secret Magic Potion1Where stories live. Discover now