Chapter 19

9 0 0
                                    

Exactly Kai, mangkukulam si Karina.....ngiting sagot ni Lienel.At nagbulongan na naman ang mga estudeyante.

Omg mangkukulam pala si Karina

Ew dapat ma kick out siya dito sa University

Kadiri siya

..........

Kaya kung may kukulam sa akin akin ngayon o bukas, paniguradong si Karina na iyon.......wika ni Lienel at wala namang nagawa si Karina.Gusto kung sabihin na mali ang kanyang mga sinasabi pero baka madamay ako.

Napaka selfish mo Kaori.

Sige! Subukan mo akong kulamin Karina para mapatunayan kung mangkukulam ka nga......wika niya kay Karina at ngumiti siya na parang nagwagi na talaga siya.

Bitawan mo ako Kaori.....bulong ni Karina pero nakay Lienel parin ang tingin.Ewan ko pero isang utos lang iyon ni Karina pero parang ma awtoridad ito.Agad ko namang binitawan si Karina at dahan dahan siyang lumapit kay Lienel.Hihilain ko sana siya kaso malayo na siya para maabot ko.

============================

Karina's POV
akosiginoongpayat......Sana ay magustohan ninyo.

Simula palang kay mainit na talaga ang dugo ko kay Lienel.Ewan ko pero bago palang siya dito pero para siyang sa kanya lahat ng attensyon.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at tinarayan naman niya ako.Ngumisi din ako at tumingin ng deretso sa kanyang mga mata.

Talaga ba Lienel?.....tanong ko at kumunot naman ang noo niya.....tsk! sa ginagawa mong ito para kang bata na inagawan ng lollipop....wika ko sa kanya at nanlaki naman ang mga mata niya....I feel so sorry for you....lapit ko sa kanya at binulong sa kanya ang katagang iyon.

Agad ko siyang tinalikuran at dumestansya ng kaunti bago ko siya hinarap ulit.Nakikita ko sa kanyang mga mata ang kanyang galit at kinatutuwa ko ito.

Sige lang magalit kalang sa akin Lienel masaya akong makalaban ka.

Maniniwala ba kayo sa kanya?.....paunang wika ko.....Maniniwala ba kayo sa ISANG LIENEL NA BAGO PALANG DITO?.....pagdidiin ko pa sa linyang iyon.....Ginagawa lang niya ito dahil gusto niyang makilala siya, gusto niyang kilalanin siya ng lahat.

Secret Magic Potion1Where stories live. Discover now