Chapter 24

6 0 0
                                    

Kaori's POV
akosiginoongpayat.....Sana ay magustohan ninyo.

Hindi ko parin maiwasang mag-isip kung connected ba silang lahat sa akin kanina pa ako nag-iisip dito tungkol sa kanila pero ni isa ay wala talaga akong idea kung sino-sino sila.Naisipan kung si Lienel ang may pakana ng lahat ng ito pero naisip ko ring bago palang siya sa University kaya pano niya nagawang utosan ng ganun ganun nalang ang mga estudeyante doon.Natauhan nalang ako bigla dahil sinalubong ako ni Jelay, ang kapatid ko.

Ang tagal mo namang umuwi....salubong niya sa akin at di ko namang maiwasang magtaka.Nagbago ata ang timpla ng babaeng ito.

Bakit anong ganap?.....tanong ko ngumiti naman siya at lumapit sakin.Mas matanda ako kay Jelay pero kung umarte siya ay parang mas nakakababa ako sa kanya.

Wala lang, excited lang kasi kitang makita pumasok kana sa loob.....sagot niya naman at pumasok na nga ako.Pagpasok sa loob ay nakita kung naka-upo si inay sa may salas at nagtagpo pa ang paningin namin.

Magpaliwanag ka!....wika ni Ina at nagtaka naman ako sa sinabi niya.

Anong magpaliwanag po ina?....tanong ko at lumapit naman siya sa akin.Ano bang ipapaliwanag ko dahil wala naman akong alam.

PAK~

dO__Ob

Muntik pa akong hindi maka balance dahil sa malakas na sampal ni Ina,galit naman akong tumingin sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin.

Ang kapal ng mukha mong ipagkalat sa paaralan mong isa akong mangkukulam!

dO__Ob

Pati ako dinadamay mo sa kalokohan mo!....galit na wika ni ina at naluluha na ako ngayon.Hindi ko akalaing malalam niya ang mga ito.

Ano bang pinagsasabi mo? Wala akong sinasabing ganyan~

At magsisinungaling kapa Karina!....biglang sulpot ni Jelay dahilan para mawalan ako ng lakas na ipaglaban ang sarili ko.....nakakalimutan mo atang pareho tayo ng pinapasokang paaralan ATE Karina....dagdag niya pa at napatingin naman ako kay ina na galit na galit na talaga ngayon. Bigla nalang nanghina ang mga tuhod ko at napaluhod nalang ako sa harapan niya.

Ina patawad po hindi ko po sinasadya iyon ginawa ko lang po yun para ipagtangol si~

Kalukohan!...singit ni ina sa akin dahilan para yumuko nalang ako.Sa pagkakataong ito ay tumulo na talaga ang luha ko at hindi ko kayang tumingin ng deretso sa mga niya......At dinamay mo pa talaga ako? Bakit!? sa palagay mo ba ay hindi ako mahihiya sa ginawa mo?.....galit na tonong tanong naman ni Ina.Hindi naman ako makapagsalita dahil alam kung kahit anong gagawin ko ay hindi talaga nila ako paniniwalaan dahil ganun naman talaga lagi ang ginagawa nila sa akin.

Secret Magic Potion1Where stories live. Discover now