Chapter 20

7 0 0
                                    

Hindi niya na ako pinansin at dumeretso siya sa kanyang mga kaibigan, nilapitan naman ako ni Kaori para tanongin.

Bakit nag-away na naman ba kayo?...tanong niya at huminga muna ako ng maluwag bago ko siya sinagot.

Kaya ayaw ko siyang makapares dahil alam kung wala akong mapapala sa kanya...sagot ko at nagtaka naman si Kaori...Gusto niya sa bahay nalang nila gagawin ang magtuturo niya sa akin.Eh may maituturo bayan?..turo ko pa kay Aljon at umupo nalang sa upoan dahil sa galit ko sa Aljon nayan.

Karina wag ka namang magsalita ng tapos....usal niya pa at tumingin naman ako sa kanya ng bakit tingin...hindi mo pa kilala si Aljon kaya wag mo naman siyang pagsabihan ng ganun.Yang galit mo sa kanya itabi mo muna yan dahil seryoso si sir sa mga winika niya, nakasalalay sayo ang magiging score ni Aljon at kaylangan mo ring intindihin si Aljon dahil may quiz tayo bukas at kaylangan mo rin ang tulong niya....paliwanag ni Kaori sa akin at bigla naman akong natahimik.Tama naman siya pero ayaw ko lang talagang si Aljon makapares ko.Baka walang na take notes yan nung Grade9 pa lamang yan.

Magsasalita pa sana ako kaso biglang dumating si sir at sinabi niyang maaari na kaming lumabas at nagsilabasan na nga ang iba naming mga kaklase kasama ang mga seniors.Hindi na nakapag paalam sa amin si Criza at Angelie dahil kaylangan pa nilang mag aral dahil sa itinuro ng kanilang mga kapares.

Karina hindi tayo sabay ngayon umiwi dahil dederetso pa kami sa library..wika ni Kaori at bigla naman akong napa isip.Tumakbo ako kay Aljon na naka masayang nakikipag kwentohan kina Seth at Art.

Hoy Aljon!

Bakit? Uuwi naba tayo?...tanong niya at kumunot noo naman ako.

Hindi!...deretsong sagot ko at sumeryoso naman siya....sa library tayo mag usap sumunod ka saamin.....dagdag ko at tatalikod na sana kaso bigla niya akong hinila dahilan para mabangga ako sa dibdib niya.Ewan ko pero biglang bumagal ang pagkilos ng paligid, na aamoy ko ang kanyang pabango at naririnig ko ang tibok ng kanyang puso.

Ano bang pinagsasabi mo sa bahay nga tayo mag-aaral dahil nandon ang notebook ko at nandon na lahat....bumalik ako sa ulirat nung bigla siyang nagsalita.Agad niyang kinuha ang kanyang bag at biglang hinila papalabas.

Secret Magic Potion1Where stories live. Discover now