Chapter 6- New Friends

113 50 34
                                    

Yna's POV

Kumatok ako sa pinto ng tutuluyan kong dorm at nagbabakasakaling pagbubuksan nila ako. Hindi ko muna gagamitin yung hawak kong susi at baka kung ano pang ginagawa nila sa loob.

Nakatatlong katok muna ako bago ako napagbuksan ng pinto ng isang babae. Abot balikat ang buhok nya at kulay itim ito, mas maliit din sya sakin ng kunti, siguro hanggang balikat ko lang siya. Nginitian ko ito at laking pasasalamat ko ng ngitian nya ko pabalik.

"Ikaw ba ang bago naming magiging ka dormmate nina Frena?" tanong nito sakin habang ngiting-ngiti.

"Ah... Oo ata." sagot ko at alanganing ngumiti sa kanya. Malay ko ba kung sino si Frena.

"Iiiiiiiiiiiiiiiiiiihhhh!!!" nagulat ako ng bigla na lang syang tumili kaya bahagya akong napatakip ng tenga.

"May makakasama na ako sa kwarto ko! Halika pumasok ka! Wag kang mahiya samin dahil walanghiya naman kami." sabi nito na bahagyang kinatawa ko pero hindi pa rin ako kumportable dahil nga nakakahiya.

Shy type ako eh... beket be??

"BTW, anong pangalan mo?" tanong nito sa akin nang paupuin nya ko sa may sofa sabay umupo rin sya sa tabi ko.

Malaki ang dorm namin, parang sala pa lang nila buong apartment na ata namin sa mundo ng mga tao. May flatscreen TV pa at coffe table sa tapat ng sofa na kinauupuan ko.
Gold and white ang theme ng buong dorm, tapos may hagdan pa patungo sa mga kwarto.

"I'm Yna, Yna Mendoza."

"Hi Yna! I'm Katie, nice to meet you." pagpapakilala sa akin ni Katie na malake ang ngiti. Mukhang masaya talaga sya na nandito ako.

"Nice to meet you too, Katie." nahihiyang bati ko din dito.
"Wag ka nang mahiya sa akin dahil friends na tayo simula ngayon since magka-dorm mate tayo. Wala pa pala yung ibang kasama natin dahil namili silang dalawa sa Mall ng Empyrean. Sila sina Mia at Frena, madali lang naman silang pakisamahan kaya wag kang mag-alala. Medyo mataray nga lang si Frena at bossy pag di nya type yung isang tao." nakangiti nyang pagpapaliwanag.

"Salamat..."  wala akong masabi kaya nagpasalamat na lang ako since nag-explain sya tungkol sa mga magiging kasama namin dito sa dorm.

"Wala yun! Mag luluto muna ako at marahil parating na rin siguro yung dalawa, mag hintay ka na lang muna dan ah?!" Paalam nito at umalis na papuntang kusina.

Nilibot ko ulit ang paningin ko sa kapaligiran at naghintay.

Meron pa lang sliding door dito, at mukhang balcony yung nasa labas. Tamang tama dahil nasa mataas na palapag ang dorm namin dito sa dormitory building. Nasa 15th floor ata kame? I'm not sure, check ko na lang mamaya.

Maya-maya lamang ay dumating na ang dalawa pang babae na pakikisamahan ko na tinutukoy ni Katie.

"Hay, ang dami nating napamili ang bibigat neto." reklamo nung isa.

"Huwag ka ng magreklamo at dalhin mo na yan sa taas." utos naman ng isa pang babae na may pagka-bossy.

"EH?! Naman eh! Ako na nagbuhat, ako pa magdadala sa taas?! " wala ring nagawa yung isang babae kun'di bitbitin ang mga pinamili nila ng tiningnan sya ng masama nung isa pa.

"Sino ka?" nagulat ako ng sumulpot na lang bigla ang babae na nag-utos kanina sa isa pang babae. Hindi ko pa sila kilala kaya pagtiisan nyo na yang description ko hiho.

"Ah! Ako nga pala si Yna, ang bagong ka dorm mate nyo." sagot ko dito at bahagyang nag bow. Nginitian nya ko at inilahad nya ang isa nyang kamay sakin para makipag-shakehands.

Wings [Watty's 2020] Where stories live. Discover now