Chaptet 28- The Chase

56 23 0
                                    


Yna's POV

Alam nyo yung feeling na kinakabahan ka dahil balak mong mag-cutting? Ang kaso mas malala itong kondisyon namin ni Jessi dahil sa ibang mundo kami pupunta at hindi computer shop lang o bilihan ng kwek-kwek.

"Ate?" tawag ni Jessi sa pansin ko. Nasa labas kase kami ngayon ng academy, sa tapat ng gate.

"Wag kang magulo, Jessi kinakabahan ako." sagot ko at inaalis ang kamay ni Jessi na nakahawak sa laylayan ng damit ko.

Nakasuot ako ng simpleng black jeans, plain white t-shirt na oversized at white rubber shoes, may suot din akong itim na sumbrero.

Nagbaon din kaming black mask ni Jessi na susuotin namin mamaya kung sakaling kailangan naming magtago. Naka shorts na black at red t-shirt naman si Jessi. Ngayon ang araw na tatakas kami.

'"Ate mas kinakabahan ako sa mga taong nasa likod natin ngayon." napalingon agad ako sa likod ko ng sabihin ni Jessi yun. Taena, kaya pala kanina pa sya nakatitig sa likod namin ay dahil nandito pala silang lahat.

Oo, lahat. Sina Frena, Olivia, Lorin, Gary, Gray, Josh, George, Han, Ley at Jack ay nandito, pati nga sina Mia at Katie kasama din.

Kinakabahan akong ngumiti at kumaway sa kanila.

"Hi?? May training ba tayo dito?" tanong ko habang nakakapit sa kamay ni Jessi na nanlalamig na ata. Pati nga kamay ko pinagpapawisan na.

'I'm going to give you a signal kung kailan mo dapat ilabas ang pakpak mo at lumipad palayo.'

Yes, I did use telepathy sa kapatid ko.

"Akala nyo ba makakalusot kayo kay Jack?" tanong ni George kaya kumabog ng malakas ang dibdib ko.

"H-hah? Haha.. Ano–Ano bang pinagsasabi mo dyan?" kinakabahang tanong ko. Hay buhay, daig ko pa ang istudyanteng nahuli ni Teacher na nag-ka cutting.

"Jack knows all. Walang sikretong maiitatago sa kanya." nakangising sabi ni Olivia kaya napalunok ako ng laway.

Pinisil ko ang kamay ni Jessi.

"Eh... Kaya ba ni Jack na habulin kame?" as if on cue, nilabas ko ang wings ko and then fly habang hatak si Jes.

"Ate bilisan pa natin!" napalingon ako sa likod ng sigawan ako ni Jes.

Nakita kong sinusundan kami nilang lahat kaya kinabahan ako.

Nagulat ako ng magteleport si Josh sa harap ko habang nakangisi pero dahil sa adrenaline, nag teleport din ako ng mas malayo pa kesa sa kanya habang si Jessi ay nagbato ng snowball sa mga humahabol sa amin. Hindi ako makakapag teleport hanggang sa portal dahil may magic limitation ang gubat ng Empyrean.

Olivia use her magic too, to stop us. May mga ugat na papalapit sa pwesto namin ni Jes pero dahil may telekinesis ako iniba ko ang direksyon ng ugat at ang direksyon nun ay papunta sa pwesto ng AOF. Nakailag ang AOF at si Jack naman ang umatake sa amin, may tumama na thunder sa harapan namin galing sa kamay nya at sa langit kaya bahagya kaming napatigil ni Jessi.

Dahil sa sobrang inis ko inalis ko ang magic nilang lahat.

Kanina, si Han lang ang inalisan ko ng magic dahil nga related sa speed ang magic nya eh kawawa naman kami ng kapatid ko kapag nakipaghabulan kami sa kanya kaya tinanggal ko muna saglit, babalik ko din ang powers nila after 2 minutes dahil yun ang limitation ng powers ko.

Halata ang gulat sa mukha ng mga humahabol sa amin nung mawala ang magic nila kaya napatawa kami ni Jes ng lingunin namin sila at makitang mga naguguluhan ang itsura nila.

Wings [Watty's 2020] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon