Chapter 40

56 18 0
                                    


"Oo... Kaya kong gawin lahat para sa kanila, sa mga taong tinanggap ako dito at prinotektahan ako kahit hindi nila ko lubusang kilala." Sagot ko sa King na nakatitig lang sakin.

"Hindi mo kailangang gawin toh." Naiiyak na sabi ni Frena na nasa likuran ko.

"Kailangan kong gawin ito, Frena... Ako ang nakatakdang gumawa nito."

"Yna... " Rinig kong tawag ni Jack sa pangalan ko kaya napangiti ako ng bahagya habang nakatingin sa King.

"Palibhasa hindi mo alam ang salitang sakripisyo Dark King, dahil hindi mo rin naman alam ang pagmamahal." Sabi ko dito at napangisi naman sya kaya nangunot ang noo ko.

"Marami ka masyadong dada, Yna. Mamatay ka lang din naman katulad ng mangyayare sa Kaharian na ito! HAHAHAHAHAHA!" nawalan ako ng timpi ng sabihin sa akin ni King iyon kaya sinugod ko sya.

"YNA!"

Hindi ako malapitan ng mga kaibigan ko dahil sinusugod na rin sila ng mga natirang kalaban na hindi naabot ng kapangyarihan ko. Nanghihina na ko kaya hindi ko sila mapatay lahat, fuck.

Winasiwas ng King ang espada nya kaya natamaan ako sa braso pero hindi ko ininda yun at patuloy lang syang sinusugod hanggang sa matamaan nya ko sa paa at napaluhod ako.

"Pare-parehas lang kayong mahina..."

Napaangat ang tingin ko sa nakahandusay na si Jack at tinitigan ang mata nya. Halatang nahihiripan na syang huminga kaya may pumatak na butil ng luha sa mata ko. Naalala ko tuloy ang huli nyang sinabi sa akin sa library noon.

"Gagawin ko ang lahat para sayo, Yna. Kahit na buhay ko pa ang nakataya."

Hindi kailangang buhay mo ang nakataya, Jack. Gagawin ko din ang lahat para sa inyo.

"Pasensya na King pero nawawalan na ko ng pasensya sa laban na ito." Saad ko habang pilit na tumatayo.

"Ako din, Yna... Ako din." Sagot nito sabay ngisi, pero nagulat sya ng sumulpot ako sa harapan nya at sinaksak sya sa puso.

"H-hindi gagana yan, Yna... A-lam mong.... Demon ako. Gagaling lang ang...sugat na yan... sakin." Nahihirapang saad ni King. This time ako naman ang ngumisi.

"Alam ko." Sabi ko at bigla nagliwanag ang kamay ko. Nagulat naman ang King sa aking ginawa.

"YNA!" Rinig kong sigaw nila pero nakatitig lang ako sa mata ng Dark King. May lumalabas na ring dugo sa bibig ko at nanghihina ang katawan ko. Hindi naman makapagsalita ang King dahil nahihirapan syang huminga dahil sa ginagawa ko.

"Mahal ka ng anak mo King... Pero hindi mo sya binigyan na karapatang magmahal at mahalin."

Bulong ko sa tenga ng King at mas nagliwanag kaming dalawa. Nakita ko naman ang paglabas ng maraming dugo sa bibig ng King at pinipilit nyang mag-salita.

"Y-yna... Tingin mo mangyayare ang digmaan na ito kung hindi ko... minahal ang anak ko?" Nakita ko ang pagpatak ng luha sa mata nya kaya nagulat ako ng bahagya.

"Ayoko lang namang... tumulad sya sa akin...na-- nagmahal din ng m-maling tao...kaya... naparusahan ang ina nyang sobrang minahal ko. Namatay sya dahil minahal ko sya."Pagkasabi nya nun ay unti-unti syang naging abo at nilipad sa hangin ang abo nya.

Nabitawan ko ang espada ko at napatingon sa likuran ko kung saan nakaabang ang mga kaibigan ko na tapos na sa pakikipaglaban. Sobrang tahimik ng paligid kaya rinig na rinig ang tunog ng sapatos ko na papalapit sa kinaroroonan ni Jack.

Lumuhod ako at umupo sa sahig saka ko niyakap si Jack.

Maituturing din bang maling tao ang minahal ko? Alam kong mangyayari ito pero pinili ko parin ang mahalin sya.

"Please, Jack... Kahit.. kahit sa huling pagkakataon, imulat mo ang mga mata mo at sabihin mo ulit sakin na mahal mo ko." Naiyak kong saad habang nakayuko. Hindi naman makalapit sa amin ang mga kaibigan namin at umiiyak lang din sila sa tabi.

"Jack, mahal kita." Bulong ko sa tenga ni Jack, naramdaman ko naman ang paghigpit ng pagkakahawak sa kamay ko ni Jack kaya napatingin ako sa mukha nya at nagkatitigan kami.

"Mahal mo ko?" Nahihirapan nyang tanong. Mas lalo naman akong napahagulgol nang tumango ako.

"Mahal na mahal kita, Jack." Sagot ko habang sumisinghot.

"Mahal din kita, Yna."

"Kaya nga wag mo kong iwan! Kumapit ka lang, please?!" Sigaw ko dito nakita ko naman ang unti- unting pagluwag ng pagkakahawak sa akin ni Jack kaya nagpanic ako at hinawakan sya sa pisngi.

"Wag namang ganto, huy!" Sabi ko dito at tinapik tapik sya sa pisngi

"Ano ba!? Bat nakatayo lang kayo dyan?!!" Sigaw ko sa AOF pero yumuko lang sila.

"Jack, Please..." Sabi ko at pinagdikit ang noo namin, tumulo naman ang luha ni Jack at dahan dahang pumikit.
Natahimik naman ako at tahimik ding humagulgol. Naririnig ko na rin amg iyakan ng mga kaibigan ko.

Ang hirap... Ang hirap kalaban ng nakatadhana para satin... Kung pwede ko lang sanang palitan yun.

Nagpatuloy ang gabi at iyak ko ang maririnig sa buong palasyo, unti-unti naring nag-aalisan ang mga estudyante habang nakayuko. Bigla namang kumidlat ng malakas kasabay nun ay ang pag-ulan din ng malakas. Umuulan dahil sa pagluluksa ko at kumikidlat naman dahil galit ako.

Galit ako sa sarili ko dahil naging mahina ako kaya kinailangan ni Jack na protektahan na naman ako. Hindi ko manlang nailigtas ang taong mahal ko, I'm the most powerful person here at Empyrean pero hindi ko siya nailigtas.

Tumingin naman ako sa paligid at nakita ko ang mga kaibigan ko at ang kapatid ko na basang basa sa ulan na nabuo ko, nilapitan nila ko isa-isa at niyakap ako.

Atleast I have the, right??

A/N: bukod sa Epilogue meron pa kong special chapters.

Wings [Watty's 2020] Where stories live. Discover now