Chapter 11- Garden of Darkness

102 42 17
                                    


Yna's POV

Pag-kabalik ko sa dorm dumiretso  agad ako sa kwarto namin para tingnan kung nandun pa ba yung kulay gintong libro na inuwi ko galing library. Pag-katingin ko sa cabinet ko sa tabi ng kama eh nandun pa naman ang libro.

Buti na lang at hindi ito napakialaman ni Katie dahil mahilig pa namang mang-kalkal ng gamit yun! Basta bored sya, kahit hindi sa kanya, kakalkalin nya.

Aaminin ko ganon din naman ako. Nangkakalkal ng gamit ng may gamit, minsan tuloy napapagalitan ako.

Ano kayang content ng libro na ito at mukhang namumukod tangi pa ata sya sa mga libro na nasa library?

Binuksan ko ito sa unang pahina at walang nakalagay na contents dito.

Pag bukas ko ng second page, talagang nalula ako dahil napakaraming letra akong nakikita. Mas trip ko pa ang libro na may pictures kesa puro words lang! Talagang sleeping pill ko ang libro eh. Bahala na nga! Pagtitiisan ko na lang ito, curios ako.

Agad kong binasa ang libro at ang nakalagay dito ay...

'Sa palasyo ng Empyrean. Isang anghel ang nahulog ang loob sa isang demon na tinatawag nilang, prince of darkness. Madali ding nahulog ang loob ng prinsipe sa anghel na ito at sila ay nag-sama.

Ngunit marami ang tumutol sa kanilang pagmamahalan kahit na sabihin ng prinsipe na wala syang masamang hangarin sa Empyrean. Pinapili ng hari ang anghel na babaeng umiibig, kung ang Empyrean ba o ang Prinsipe ng kadiliman.

Pinili ng angel ang kanyang minamahal at umalis sila't di na nagpakita pa. Sabi-sabing nagka-anak sila at ito'y kanilang tinago dahil nag aangkin ito ng kakaibang lakas na kayang sakupin ang dalawang mag-kabilang mundo.

Di na nakita pang muli ang dalawa kaya hindi mapatunayan ang haka-haka, pero kung totoo man ito. Siya ang makakatulong sa darating na digmaan sa pagitan ng liwanag at kadiliman.

Mapapatunayan lamang kung totoo ang batang ito kung magiging masiglang muli at maganda ang Garden of Paradise dahil dito daw ito ipinanganak at nang mawala ito ay naging madilim at nakakatakot ang hardin.'

Ang nakakatuwa sa libro na ito ay purong tagalog sya sa ibang pages.

Anghel ang tawag sa mga tao ng empyrean noon. Pero masakit sa ulo ang nilalaman nito, napakalalim ng tagalog, pare ko. Biglang sumakit ulo ko, nakakaloka.

Makatulog na nga lang! Sabi ko sa inyo, sleeping pills ko ang libro. Wala naman akong kinalaman sa dalawang magkasintahan na ito at pati na din sa anak nila kaya anong pake ko?

Ang mga sumunod na pahina ay tungkol na sa propesiya para sa darating na digmaan, nakasaad sa libro na magaganap ang digmaan sa ikaanim na kabilugan ng buwan at sa pagkakaalam ko ay naka apat na bilog na buwan na dito kaya mukhang malapit na ito.

Maaabutan kami ng digmaan ng aking kapatid. Kailangan kong protektahan ang kapatid ko at makipagpatayan. Kinakabahan na ko sa thought na kailangan kong makipagsabayan at makipaglaban sa mga may kakaibang kapangyarihan. At ito naman kami ng kapatid ko na wala pang nararamdamang kapangyarihan na dumadaloy sa amin o kung may kapangyarihan ba talaga kami ni Jessi.

Matutulog na nga lang ako kahit  1:00 pm palang, sigurado namang magigising ako ng alas tres ng hapon.

Josh's POV 

Wings [Watty's 2020] Where stories live. Discover now