Chapter 26- Kapangyarihan

62 27 0
                                    


"Siguro naman ay handa na kayo?" Tanong sa amin ni Mrs, Vann.

"Ohemgee, kinakabahan ako pero at the same time nai-excite diiiiiiiiiinnn.." Bulong sa akin ni Mia.

"Baka natatae ka lang." Seryosong sagot ko kaya napasimangot sina Mia at Jessi. Si Katie naman ay bahagyang napatawa sa tabi ko.

Oo, kasama namin ang tatlong toh. Nagpumilit sumama ang mga loka  kaya pinayagan sila ng headmaster.

Ewan ko na lang kung hindi maloka ang mga toh sa gagawin naming training... Halata naman kase na pahihirapan kami ng mag-asawa na toh lalo na't mga demons ang makakalaban namin sa digmaan.

"Handa na kami. Ano ba ang kailangan naming gawin?" Tanong ni Olivia. Sana kasing tapang ko itong babae na to. Hay, Buhay.

"Simple lang. Kailangan nyo lang matalo... Ang mga ito." Nagsummon ng maraming lion at tigre ang mag-asawa kaya nagulat kaming lahat, napakapit naman si Jessi sa braso ko.

"Ate, natatakot akooo~"

"Mga baliw kase kayo at naisipan nyo pang sumama." Mataray na sabi ko.

Pero nag-aalala ako para kay Jessi. Alam nya na ang taglay nyang kapangyarihan at isa syang ice magic user, ang kaso hindi nya pa iyon kayang kontrolin katulad ng sa akin.

"Pagtitiisan ko na lang ito. Iisipin ko na lang na ito na mismo ang nagaganap na digmaan." Bulong yan ni Katie sa tabi ko kaya napangiwi ako.

"Hindi pa ba mukhang digmaan toh?" Tanong ko na nakangiwi pa.

Matapos ang mahaba habang pagtititigan namin ay isa-isa ng sumugod ang mga kalaban kaya napailag ang ilan sa amin at ang iba naman ay umatake na.

Nilabas ko na ang dalawang staff ko at binalot ito ng aking kapangyarihan. Ginagamitan ko ito nang dark magic.

Ang dark magic ko ay isang itim na usok na may pagka-violet din ang kulay at may kuryente pang namumuo sa loob nito. Ayan ang taglay kong kapangyarihan sa aking demon side.

Sa aking Empyrean side naman ay simpleng light magic ang lumalabas sa kamay ko na kulay white at yellowish. May mga side magic pa ko na hindi ko pa masyadong napa-praktis pero nakasulat lang ito sa Golden book. Nagtataka din ako kung sino ang sumulat doon dahil most of my abilities that written there are true.

Kung tinatanong nyo kung bakit ako nagamit ng pamalo or staff ay dahil ayoko ng madugong labanan. Siguro gagamit lang ako ng espada sa mismong digmaan.

Nag-umpisa na ang laban, lahat ng lumalapit sa akin na kalaban ay sa ulo ko hinahampas at kapag nabibigla ako sa mga kalabang bigla na lang sumusugod sa akin ay tinatapat ko sa kanila ang palad ko at ginagamitan ko sila ng iba't-ibang magic. Fire, air, telekinesis, and so on.

As much as I want to see how my friends and sister fight... Hindi pwede dahil sunod-sunod ang atake ng kalaban sa akin kaya hindi ako makapaglibot ng paningin. Mukhang hindi nauubos ang kalaban, balak ba ng mag-asawa na ito na ubusin ang lahi ng tigre at lion??

Sipa dito, palo duon, tutok kamay... Talsik ang kalaban. May mga sugat na rin ako dahil sa mga kalmot ng mga pusang ito. Rawrrrr... nanggigigil ako. Kailan ba matatapos ito?

Third Person POV

Iba't-ibang tao, iba't-ibang kakayahan at iba't-iba ding estratehiya kung pano makipaglaban.

Si Lorin ay ginagamit ang kanyang Air element para mapatalsik ang kalaban at katulad kay Yna, gumagamit din ito ng staff ang kaso, nag-iisang staff lang ang gamit nya. Katulad ng dati nyang laban, lumilipad sya paakyat ng mga puno para maiwasan ang atake ng kalaban pero hindi maiiwasan na mag-kasugat sya dahil sa dami nila.

"Ayoko na!!!!" hindi pinakinggan ng mag asawa ang hinahing ni Jessi na gumagamit ng ice magic.

Walang kahit anong sandata si Jessi dahil ginagamit nya lang ang kapangyarihan nya para mapatigil ang kalaban sa pag-atake. Katulad nang pinagyeyelo nya ang paa ng mga kalaban para tumigil ito sa pag-galaw palapit sa kanya sabay sasaksakin nya ito ng matulis na yelo.

Si Gary naman ay may hawak na espada na gawa sa liwanag. Kaya nyang mag materialize ng kahit anong bagay gawa sa liwanag or light kung tawagin, hehe.

"Na-iistress na ang beauty ko! kanina pa ko kumpas ng kumpas ng espada ko!" sigaw ni Gary yan.

"Mag tiis ka na lang! Tutal, pare-parehas naman tayong sword handling ang inaral!" sigaw pabalik ni Frena kay Gary. Kasama nilang nag-aral ng sword handling noon sina Gray, Josh, George, Olivia at Jack.

Ang tactics ni Frena sa pakikipaglaban ay pinapahinto nya ang oras, ang kaso mga 3-5 seconds lang ang kaya nya para mapahinto ang oras and it takes a lot of energy pag ginagamit nya ang kapangyarihan nya. After the time stop, doon lang sya umaatake.

Si Josh naman ay kung saan-saan nakakarating dahil na rin sa teleportation ang kapangyarihan nya. Bigla na lang syang susulpot sa likod ng kalaban tapos sasaksakin nya ito. Nagulat si Josh ng sumulpot si Mia sa tabi nya.

"AHHH!!! Mia! Hindi ako mamatay sa laban kun'di dahil sa gulat sayo!" sigaw ni Josh kay Mia pero inirapan lang sya nito at nagpatuloy na sa laban. Invisibility kase ang kakayahan ni Mia kaya napasulpot sya sa tabi ni Josh. Nakita naman ni Josh na walang kahit anong sandata si Jessi kaya nag-teleport sya palapit dito at tinulungan si Jessi sa pakikipaglaban, hindi naman napansin ni Jessi ang presensiya ni Josh kaya hindi sya lumingon dito.

Si Olivia ay gumagamit ng isang poisonous flower na tinatawag na Larkspur, pinupulupot nya ito sa mga kalaban tapos manghihina ang mga ito hanggang sa mamatay. Gumagamit din ng may tinik na espada si Olivia.

Nagulat si Olivia ng tumalsik ang isang lion papalapit sa kanya kaya nasaksak nya agad ito gamit ang hawak nyang espada. Napatingin ng masama si Olivia kay George samantalang si George ay nagkibit balikat lang, siya kase ang may gawa kaya tumalsik ang lion kay Olivia. Ginamit nya ang kakayahan nyang telekinesis. May hawak din si George na espada at parehas ding sugatan sila ni Olivia.

Gray is also struggling pero kaya naman nyang lumaban dahil sa kanyang enhance eyesight. Because of his power, napapana nya agad ang mga papalapit palang na kalaban. Same with Katie, alam nya na rin kung meron bang aatake sa kanya sa kanan, kaliwa, harap o likod dahil she can see the future. Pero ginagamit nya lang ang kakayahan na ito kung kailan nya gusto, hindi nya pa nagagamitan ng kapangyarihan ang kanyang mga kaibigan because it takes a lot of effort to use the power.

Looking forward to Ley, kaya nyang mang-hipnotise kaya napapatigil ang kalaban once na titigan nya ito sa mata, tapos magugulat na lang tayo naglalaban na ang mga magka-kakamping kalaban. Nagamit din sya ng dalawang dagger na hinahagis nya tapos biglang babalik sa kamay nya.

Han have an incredible speed, kaya kahit matakaw ang tao na ito ay kaya nyang magpatumba ng 3 o 4 na kalaban sa loob lang ng tatlong segundo, katulad ni Ley nagamit din sya ng dagger.

Pero ang pinakamalupet ay si Leader. Walang hawak na espada or kahit ano.. Tanging ang kamay nya at kapangyarihan lang ang pundasyon nya sa pakikipag-laban. Oo, Physical fighting lang pero taob agad ang nakakalaban nya. Ginagamitan nya rin kase ang kalaban ng electric para mangisay ito hanggang sa mamatay. Usually nagamit si Jack ng espada na may kuryente. Mala Thor lang, ganon. Pero hindi sya gumamit ng kahit anong sandata ngayon, maybe to improve his skills kaya hindi sya gumamit ng sandata.

 Pero hindi sya gumamit ng kahit anong sandata ngayon, maybe to improve his skills kaya hindi sya gumamit ng sandata

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.
Wings [Watty's 2020] Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz