Chapter 12- Looks

100 42 17
                                    


Lorin's POV

Katulad ng reaksyon naming magkakaibigan kanina ng makita namin ang Garden of Paradise, ganon din ang reaksyon ng AOF ngayon pwera kina Olivia, George at Jack. Wala silang pinapakitang reaksyon pero alam naming nagtataka din ang tatlong iyan, lagi kaseng nakatabi sina George at Olivia kay Jack kaya nahawa na sa katahimikan nito.

"Kailangang malaman na ito ng Headmaster." si George na nakatitig pa rin sa Garden of Paradise.

"Marapat lang na sabihin na natin sa kanya ang tungkol dito dahil malapit ng dumating ang ikalimang kabilugan ng buwan." tukoy ni Gray sa nalalapit na digmaan sa ikaanim na kabilugan ng buwan.

Dali-dali kaming umalis sa lugar na iyon at nagpunta sa Headmaster's Office para ipaalam ang nangyare. Nang makarating kami sa Opisina ni Headmaster ay agad naming pinaalam sa kanya ang aming natuklasan, halata naman ang gulat sa mukha ni Headmaster.

"Kung ganoon nga ay magandang balita yan na nandito na sya. Pero nasa panganib ang buhay ng batang iyon at ni-hindi nga natin alam kung lalake o babae ba sya? Kaya paano natin sya mahahanap sa laki ng eskwelahan na ito?" natahimik kami sa tanong ni Headmaster. Tama sya, walang alam ang kahit na sino sa tunay na katauhan ng nakatakda. 

Nasa kalagitnaan kami ng pag-iisip sa maaari naming pwedeng gawin para mahanap ang nakatakda ng biglang magsalitang muli si Headmaster.

"Para sa inyong misyon AOF, inuutusan ko kayong hanapin ang nakatakda sa loob ng Academia." 

Yna's POV 

Hayy...pakiramdam ko napasobra ako sa tulog haaaaaa... *Humikab po ako guys* ang sakit pa ng ulo ko.

Umupo ako sa kama at nakipagtitigan muna sa pader at nang matapos kong titigan ang pader tumayo na ko't nagpuntang CR para maghilamos. Pumasok ako sa CR at tinignan ang sarili ko sa salamin...

"AAHHHHHHHHHHHH!!!!!!" 

ANO ITOH?!

Tinitigan ko pa ng maigi ang sarili ko sa salamin.

"A-anong nang--yayare sa a-kin?" tinuro ko ang sarili ko sa salamin at saka ako dali daling nagtatakbo papuntang kama para kunin ang telepono at tawagan si Jessi.

Nang ma-dial ko na ang number ng telepono ni Jessi....

"ATEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!" salubong ng sigaw sa akin ni Jessi kaya nailayo ko ang telepono sa aking tenga.

"A-nong nangyare?" nag-aalalang tanong ko sa aking kapatid.

"Ate... nagbago ang itsura ko!... at... at  MAY PAKPAK AKOOOOOOO! HUHUHU!" nagulat ako sa sinabi ng kapatid ko.

"Pa--rehas tayo, anong kulay ng pakpak mo?" tanong ko kaya napatahimik sya.

"Puti. Ibig bang sabihin nito ay nabibilang nga talaga tayo sa lugar na ito?" napatango ako kahit hindi nya ko nakikita.

"Magkita tayo sa likod ng school." utos ko at ibinaba ang telepono.

tiningnan kong muli ang itsura ko sa salamin.

Mas lalo akong pumuti at naging kulay puti narin ang ibaba ng buhok ko, habang ang roots naman ng buhok ko ay kulay itim parin.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Wings [Watty's 2020] Where stories live. Discover now