Chapter 22- Mount Ajji

73 31 0
                                    

Yna's POV

"Ano pong ibig nyong sabihin?" Tanong ni Frena sa mag-asawang Vann.

Nandito na kami ngayon sa loob ng bahay ng mag-asawa, sila din yung dalawang tao na sumulpot nalang bigla sa likod namin sabay pinatuloy kami dito.

Nakaupo kami ngayon sa isang lumang sofa. Kung tinatanong nyo kung pano kami nag kasyang 11 sa sofa... Nakaupo kase ang iba samin sa lamesa na nasa kusina, hindi kalayuan sa sala na kinauupuan ng iba pa samin, nakikikain pa nga ang mga hinayupak na nasa lamesa. Sina Josh, Gary, Ley, Lorin at Han lang naman ang mga nandoon, the rest nandito na sa sala. Hindi ko rin alam kung pano nasali si Lorin sa kalokohan nina Josh at nandun din sya.

"Ang ibig naming sabihin ay delikado kapag inensayo namin ng kaming dalawa lang mag-asawa si Yna." Paliwanag ni Mrs. Vann kaya nangunot ang noo ko.

"So anong connect nun? ba't delikado?" Tanong ko. Ba't kase may nadamay pang delikado eh hindi naman ako nangangagat, RAWR.

"Yna, isa kang half demon and half empyrean. Mas malakas ang demons at empyreans kesa sa aming mga wizard and you're the combination of two. Hindi ka namin kayang kontrolin kung sakaling mawalan ka ng kontrol sa kapangyarihan o emosyon mo." Paliwanag si Mr. Vann kaya napayuko ako.

Sabagay, tama nga sya. Madalas nga kong mawalan ng kontrol kaya delikado.

"Mahirap nga po syang kontrolin kapag nabalot na ng emosyon." Sabat ni Frena. Siguradong naalala nya yung nangyare sa cafeteria noon. Ang unang beses na muntik na kong mawalan ng kontrol.

"Ano po bang kailangan gawin?" Tanong ko sa mag-asawa.

"Kakailanganin natin ang tulong ni Everest. Kaya nyang gumawa ng spell na pwedeng gamitin sa iyo para maihensayo ka namin at ng Angels of Fear." Ani Mrs Vann.

"Eh, saan po namin sya mahahanap?" Tanong ni Han na nasa kusina, napalingon kaming lahat sa kaniya at sa mag-asawa.

"Sa Mount Ajji." Sagot ni Mrs, Vann na ikinalaki ng mata ko.

Mygulay! Puno nga ng Mangga hindi ko kayang akyatin, bundok pa kaya?

"No other way? Hehe.." tanong ko na nagbabakasakali. Malay nyo pwede teleportation? Mas mabuti na yun kesa umakyat ng bundok noh!

"No other way. Hindi nyo magagamit ang teleportation sa Mt. Ajji dahil nasa ilalim ng kapangyarihan ni Everest ang buong bundok. Hindi din kayo pwedeng lumipad paakyat dahil sa portal, kakailanganin nyong lumakad paakyat para mabuksan ang portal." Napawi ang ngiti ko at napatungo na lang ng sabihin ni Mrs. Vann yun.

"Don't worry Ma'am, trabaho naming protektahan si Yna kaya hindi namin kayo bibiguin sa pagbabalik namin galing Mount Ajji." Nakangiting sabi ni Gray kaya napangiti ako sa kanya.

"Yeah, kahit pasaway si Yna kailangan namin syang protektahan." Sabat pa ni Jack kaya marahas akong napalingon sa kanya.

"Grabehan." Saad ko pero tiningnan nya lang ako at tumayo sya papunta sa lamesa.

"Kung hindi labag sa loob nyo, makikikain na din ako." Paalam ni Jack kina Han na nasa lamesa tapos tumabi sya kay Lorin at nagsimula ng kumain.

"Pffftt--" narinig ko ang pagpipigil ng tawa ni Frena kaya tinanong ko sya.

"Ganyan ba talaga yang si Jack?" Takang tanong ko kay Frena na natatawa rin.

"Haha. Oo ganyan talaga yan, hindi nya pa nga minsan napapansin na napapatawa nya kami dahil sa mga ganyanan nya, HAHA." hindi na kinaya ni Frena ang tawa kaya napahalakhak sya, ng marinig ni Gary ang halakhak ni Frena ay sunod sunod na silang nagtawanan. Tiningnan ko si Olivia na pilit na nagpipigil ng tawa.

"Pfftt--" biglang tinakpan ni Olivia ang bibig nya para magpigil ng tawa kaya nahawa ako at nakitawa na rin. Kahit ang mag-asawang Vann ay napangiti na lang.

"Mamatay na lahat ng tumawa." Biglang saad ni Jack kaya napatahimik kaming lahat.

Pero dahil maraming baliw sa grupo namin, mayroong pilit parin nag-pipigil ng tawa kaya nakakagawa sila ng sounds na hindi ko maintindihan kaya napahalakhak ulit ako.

"Pfft-- HAHA! Ang ta-tanga nyong tingnan." Sabay turo ko sa sila at napahawak pa sa tiyan ko.

Tinitigan nila ko ng matagal sabay napatawa na din sila, nakatitig lang sa amin si Jack habang nanguya sya.

"Bilisan nyo na mga anak. Kumain na din kayo para mabilis kayong makapunta sa Mount Ajji. Bibigyan namin kayo ng mga gamit, pagkain at tubig na pwede nyong dalhin sa inyong paglalakbay." Nakangiting sabi sa amin ni Mrs Vann kaya sinimulan na nga naming lumakad papuntang kusina at kumain. 

Papunta palang kami ng kusina ay tapos na yung apat habang si Jack nangangalahati pa lang sa kinakain nya.

"Nood lang kaming TV, tawagin nyo nalang kami kapag tapos na kayo para makapaghanda na tayo." Bilin ni Lorin at dumiretso na sila sa sala para manood  ng... Cartoons ba yun? Oo nga nanonood sila ng cartoons. Teka parang si Dora yun ah...

"Ayos yan, magagamit nyo yung mga taktiks ni Dora the explorer sa mga paglalakbay nya para sa paglalakbay natin." sigaw ni Gary sa mga nasa sala kaya napatawa kaming lahat pwera kina Olivia at Jack, nakangiti lang sila.

Siguro nakapoker face lang ang  nanay ng mga ito nung iniire sila? Why so serious?

.

.

.

"Mag-iingat kayong lahat." Nakangiting paalam ni Mrs. Vann sa amin.

"Kompleto na ba ang gagamitin nyo?" Tanong ni Mr. Vann.

"Wag na po kayong mag alala at yakang yaka na namin ito. Maraming salamat po sa tulong nyo." Pagpapasalamat ni Gary.
"Trabaho namin ang tulungan kayo at ang nakatakda." Sabay tumingin ang mag-asawa sa akin, napangiti na lamang ako at tumango.



PAAKYAT na kami ng Mount Ajji matapos ang isang oras naming paglalakbay. Hindi ko na nga kinakaya dahil sobrang napapagod na ko. Kahit nga puno ng mangga hindi ko nagawang akyatin noon dahil tinatamad ako tapos ngayon bundok agad ang aakyatin ko? Wala manlang pa-praktis ang school tungkol sa pag-akyat ng bundok, haaaayy.

By the way, kasama pa rin namin si Minuet at natutulog sya ngayon sa balikat ko.

Si Fery, yung kaibigan naming pusa na inampon ko at binigay kay Jessi nasa school sya ngayon at nagte-training. Sila kase ang mga nagsisilbing guardian ng school kaya kailangan din nilang mag-ensayo.

Kaya pala sumama sa akin si Fery noon dahil alam nyang Empyrean ako.

Nakatulalang naglalakad ako ng biglang tumabi sa akin si Olivia kaya gulat na napalingon ako dito.

"Wag ka ng lalayo sa amin dahil mahihirapan na kaming maghanap sa lugar na ito." Pagkasabi nya nun sa akin ay nauna na syang maglakad habang ako ay naiwang nagtataka.

Ewan ko ba kung concerned sya sa akin or what, pero sige... sabihin nalang nating concerned talaga sya sa akin.

Ang weird talaga nilang dalawa ni Jack.

*****
Author's Note:

Gawa gawa ko lang ang mount ajji at kung totoo man na may mount ajji.

Credits sayo.

Wings [Watty's 2020] Where stories live. Discover now